Category Archives: Litratong Pinoy

Umaapoy na Damdamin ng Isang Ina

litratongpinoy1.gif

Napakahaba ng titulo ko di ba? Ibig sabihin, umaapoy talaga, nagpupuyos, nagagalit.

Ang asawa ko ay may meeting sa SBMA kahapon. Ako ay hindi pumasok sa trabaho at sumama sa kanya upang pumunta sa tahanan ng aking mga magulang. Naiwan ang anak kong si Julian doon sa bahay ng aking mga magulang, upang makasama ang dalawang kapatid niyang sina Trixie at Tania. Babalikan sila bago ang pasukan sa Hunyo.

Gabi na ng kami ng aking asawa ay makabalik. Kami ay gutom na gutom at pagod. Dumaan kami sa isang kainan upang maghapunan. Doon sa kainan, merong mga bata, me dalang banduria, byolin at gitara. Sila ay tumutugtog. May isang bata namimigay ng maliit na envelope upang manghingi ng donasyon.

Ako ay nabagabag at hindi komportable, hindi dahil sila ay nanghihingi ng pera kungdi dahil gabi na at dapat sila ay nagpapahinga na ngunit sila ay patuloy pa din sa kanilang ginagawa. Ito ay isang palaisipan sa akin. Hindi ba ito ay isang pang-aabuso? Hindi ba ito ay isang pagmamalabis? Umaapoy ang aking damdamin kaya kinuha ko ang aking kamera upang kunan sila ng larawan. Kelangan ko itong maisulat, upang maipahayag ko ang aking pagkamuhi sa ganitong sistema. Bakit kailangang gawin ito sa kanila? Sila ay mula sa isang foundation. Pero bakit ganun?

Sintunado na ang kanta.

Hindi na sabay-sabay ang pagtugtog.

Wala nang saya ang pag-awit.

Pagod na ang mga bata. Pagod na.

 

img_1531b.jpg

My title is long, isn’t it? This means it is fiery and angered even.

My husband had a meeting at SBMA yesterday. I decided to not go to work and go with him so that I can visit my parents and my two daughters currently vacationing there. Julian was left there to be with his sisters and to have some break too. We will be getting them before classes start in June.

It was already late when we started for home. My hubby and I were hungry and tired. We decided to go to a fast food in one of the many gasoline stations lining up the NLEX for some dinner. In the restaurant,there were some children. They had musical instruments with them: violin, guitar and banduria. They were playing these musical instruments. There was even a small child going to the diners giving them envelope for donations.

I was uncomfortable, I was not happy, not because they were asking for money but because its late. Its past 9pm! Shouldn’t they be resting? Why do they still continue what they were doing? This puzzled me. Isn’t this a form of child abuse? Isn’t this child exploitation? My feeling were hurt for them, I was “on fire” so I had to get the camera and to take their photos. I wanted to write about this, to vent off my steam about this kind of treatment, about this kind of system. And to think they are staying with a foundation. Why do they have to do this to them?

Mahal na Ina

litratongpinoy.gif

Ito ang aking Alay sa Aking Ina para sa Araw ng mga Ina noong taong 2007. Mababasa ito dito sa kabilang blag ko. Isasalin ko na lang sa ating wika, pagpasensiyahan nyo na. Pagod kasi ako, dahil sa pangyayaring ito na ako ay nainis at nasaktan.

~o0o~

Ang aking ina ay walang katulad. Siya ay mapagmahal ngunit istrikto. Siya ay mahinahon ngunit malakas. Siya ay maasikaso ngunit gusto niya kami matuto para sa aming sarili. Mabait siya sa mga nangangailangan ng tulong ngunit hindi niya papayagang maging pabigat ang mga taong tinutulungan niya. Madali siya umiyak ngunit meron siyang pusong matigas. Meron siyang pananampalataya na makakapagpagalaw sa mga bundok pero siya ay naniniwala na tinutulungan ng Diyos ang mga marunong tumulong sa kanilang sarili. Lagi siya kumukilos, mabilis. Kahit meron siyang mga sakit sa katawan, hindi siya tumitigil sa pagkilos upang mapabuti ang kalagayan ng mga bagay-bagay.

My mother, my Mama is one of a kind. She is loving yet strict. She is gentle yet strong. She is nurturing yet she wants us to be independent. She is kind to those who need help but would not tolerate dependency. She cries easily yet she has a heart of steel resolve. She has faith that can move mountains but she believes that God helps those who help themselves. She is always up and about, moving fast and agile. Yet even if she has her aches and pains, she almost never stops working to make things better.

Mahal na mahal ko ang aking ina. Sila ng aking ama ay nagsakripisyo para sa akin at sa aking nakababatang kapatid na lalaki, pati din sa aking mga anak. Salat man siya sa karangyaang nabibili ng salapi, para sa akin, higit siya sa lahat ng makamundong kayamanan. Sa kanya akoay tuminingala. Sa kanya ay iniaalay ko ang aking walang hanggang pagmamahal. Sa kanya ibinibigay ko ang aking respeto.

I love my mother very much. She and my father sacrificed a lot for me and my brother, and did a lot for my children as well. She may not have a lot of money in her pocket but she is worth more than all the worldly treasures in this world. To her I look up to. To her I give my endless love. To her I offer my respect.

img_4262b.jpg

Meron akong larawan na puwedeng ihalintulad sa aking ina na nagpapakita na siya ay kahanga-hanga, higit na mas malaki sa mga langgam, este, higit pa sa amin ng aking kapatid. Maligayang Araw ng mga Ina, Mama! Mahal na mahal ka namin.

I have a wonderful photo that represents my mother and how her greatness is bigger than the ants me and my brother. Happy Mother’s Day Mama! We love you very much.

Litratong Pinoy : Malungkot

litratongpinoy2.gif

Malungkot. Ngayon ay Mayo Uno, Araw ng Paggawa. Sad. Bleak. Depressing. Today is May One,Labor Day.

Sa loob ng mga magagara at maliliwanag na mga gusaling iyan, naririyan ang mga mangagawa. May mga sumasahod ng mas mataas sa minimum. May magagarang damit, celfone at sapatos. Mangilan-ngilan ay may kotse. Masayahin. Ngunit tunay kayang sila ay masaya? May ngiti pa bang mamumutawi sa kanilang mga labi sa taas ng presyo ng mga bilihin, bayarin sa kuryente, tubig, gasolina at pamasahe at ang trapikong araw-araw ay kanilang kinakaharap? May ngiti pa bang makikita sa mga mata ng mga taong ginagawang araw ang gabi at gabi ang araw, upang sumagot sa mga reklamo ng mga tao sa telepono? Oo, karamihan sa mga diyan sa mga gusaling iyan, nandiyan sa gabi para magtrabaho, nabubuhay sa kape at nikotina. Yan ang dahilan kung bakit marami pang ilaw sa mga gusaling iyan.

Inside those grand and brightly lit buildings are employees. Most of them probably earn a little above the minimum wage. They have nice clothes, nice cellphones and nice shoes. Some even have cars. They are happy. Or are they really happy? Would a smile still play on their lips especially now that the prices of food, electricity bill, water bill, gasoline, public transport fares are so steep? Not to mention the monstrous traffic they have to endure, going to work and coming home when they workday is done. Can they still smile, these people who make the nights their days and the days their nights, just so they can answer complaints and queries on the telephone from irate customers? Yes, most of those who work in those buildings work at night until the wee hours, energized by caffeine and nicotine. Why do you think the buildings are still so bright even if its obviously late?

img_2578b.jpg

Malungkot ang kalagayan hindi lang ng mga manggagawang Pilipino, kundi pati ang kalahatang kundisyon ng bansa.

It is a sad plight not just for the Filipino worker, but for the overall condition of the country.

But still…

Anuman ang gawain, mataas man ang tungkulin o tila isang abang manggagawa, dapat ito ay ginagawa ng tama at may karangalan.

Whatever kind of work, whether in a top rank or in a lowly position, work should be done correctly, rightly, and with dignity.

Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!

P.S. Sige na nga, masaya na tayo kasi walang pasok. Pero ako me turo pa rin, ok lang yun sa akin, huling hirit ko. Iiwan ako ng 4 na studyante, pupuntang New York ang isang pares nang magkapatid at magba-Bahama cruise naman ang isa pang pares na magkapatid. Ako ang malungkot. Konti lang ang kita ko ngayong Mayo 🙁

Litratong Pinoy: Pahaba

litratongpinoy.gif

Sa dami ng mga larawan kong may hugis ng pahaba, ito sa ibaba ang napili ko, ang karatula ng kalye. Ito ay pa(ri)haba na tamang-tama sa tema. Wala na kasi ako maisip. Naisip ko sana maglagay ng larawan ng aking mga estudyante na gamit ang mga bagay na may hugis pahaba kaya lang baka idemanda ako ng kanilang mga magulang. Sila na may tinatawag na otismo, mga batang tila ba nakakahon (parang parisukat/parihaba) ang kalahatan ng kilos, pati kanilang saloobin. Pero wag na sila pag-usapan dito kasi marami meron na akong mga naisulat dito sa TitserJulie.com blag ko.

With all the photos I have depicting something rectangular/long, the photo below was the one I chose to feature since the street sign’s shape is rectangular, perfect for this week’s theme. I can’t think of anything more to feature. I planned to show my students’ photos using things that are rectangular in shape but their parents might sue me (harhar!). Most of them are different, or rather special, several having the condition we call autism. They behave in a box-like (square? rectangular? one way?) way since almost all their responses and feelings are being taught to them. But I don’t want to talk about them since I have written posts about them in my TeacherJulie.com blog.

~o0o~

img_2938b.jpg

Dewey Avenue? Hindi, hindi yan sa America. Iyan ang pangalan ng kalye sa SBMA sa pahabang poste na may pa(ri)habang anyo, kung saan kami dumadaan papunta sa aming munting tahanan sa lalawigan.

Dewey Avenue? No, that is not in America. That is the name of the street in SBMA where the sign on a post, that we always pass by on our way to my parents’ house in the province.

Pero teka muna, sandali lamang po… Malabo kasi, hindi na kaya ng point and shoot na kamera ko, malabo pa ang mga mata ko. Tignan ko nga ulit sandali…

But wait…The photo is blurred, my point and shoot camera had difficulties, my eyes are also blurred. I would just like to take a look again…

img_2938c.jpg

Ay! Bakit ganun? Me sulat, sulat Intsik ba yan? Bakit? Nabili na ba nila ang Pilipinas, este ang Subic Bay area pala, at me subtitle na kakaibang sulat ang mga karatula dito. Baka pagdating ng araw eh tayong mga Pilipino na ang mga dayuhan sa lupang sinilangan natin. Huwag naman sana.

Oh my! Why is it like this? There are some strange writing, is it Korean, Chinese Taiwanese calligraphy? Why? Have they bought our country already, I mean the Subic Bay area, that’s why all the street signs as well as the tourist spots have these translations. Would it be possible that the day would come that we Filipinos will be considered as foreigners in this land of our birth? I hope not.

 

View more Litratong Pinoy participants here.

Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko

litratongpinoy1.gif

img_0261b.jpg

(Mali, mali ang title ko, marahil sa pagod at puyat ito dahil ngayon lang ako gumawa. Umpisa na kasi ng summer program sa aking trabaho at ako’y hilo sa pagod at sa kakaisip. Hindi, hindi ko na babaguhin)

Ito ang mga makukulay na bintanang parisukat sa Science Centrum kung saan namasyal ang aking dalawang mas batang anak para sa kanilang field trip. Narito ang isinulat ng anak kong si Julian para sa newsletter kada-buwan para sa kanilang mga magulang. Science Centrum Field Trip.
These are the colorful windows of the Science Centrum where my two younger children went to for a field trip. Here is what my six and a half year old son Julian wrote for the newsletter that we parents receive monthly. Science Centrum Field Trip.

Click here to visit Litratong PinoyApat ang Kanto Ko” entries.