Category Archives: Photos

Maliligo na si Chi-chi

Heto si Chi-chi, ang aming American Pitbull Terrier, nakatali bago paliguan.

chichi

Alam niyo naman, me mga asong ayaw na naliligo. Yan ngang si Chi-chi, me pagka-abusado, pinakawalan mo na nga, kapag nakitang dala-dala ang chain niya, nagpapahabol pa! Nakakatawang nakakainis, 😀

Pasensiya na po sa grabeng late, medyo busy-busyhan ang inyong abang lingkod 🙂

iPad

I am not one who go goo-goo and gaga over tech gadgets and tech toys not because (mainly) I don’t have the budget for these things but because I know that whatever is news today would be old news after a few days.

Like this iPad which is NOT mine:

iPad

Looks pretty neat huh?

So I take back what I wrote about not going gaga over tech gadgets because shhh… I want one like this because of the features.

It would be great to be able to access a lot of things like my mail, my photos, YouTube, iTunes, maps, iBooks and so much more.

Now my mom wouldn’t get mad at me if I don’t find the joint health supplements page she needs to read pronto because  I know if I have one like this, I wouldn’t put it down 😀

Ang Litratista, Bow!

Hala sige, pindot lang ng pindot.

Akala siguro ng iba, madali ang maging litratista. May mga pagkakataong katulad ng sa ibaba, di lang galing sa pagkuha ang dapat kakayanan, pati bunong braso at pakikipagsiksikan, dapat marunong din.

pindot

Sa mga pagkakataong ganito, kung minsan nakaka-insecure na katabi ang mga naghahabaang mga lente at kamerang malalaki. Pero sige lang, carry pa din, pindot kung pindot 😉

Narito pala ang ilan sa aking mga imaheng nahuli sa pindot nung araw na yan: LV car, Hello Kitty car at sandamakmak na kotse.

Sa tingin ko, hindi naman pahuhuli ang aking mga kuha sa iba, hehehe. Ako na ang nagsasabi niyan, at sana walang kumontra, haha!

SCTEx

Ano nga ba ang mga hudyat ng pagbabago?

Makabagong teknolohiya?

Mga kalyeng puwede maikumpara sa international standards?

Isang lipunang may tugon sa pangangailangan ng mga tao?

Tama lahat iyan.

Eto, SCTEx, Subic-Clark-Tarlac Expressway. Bagama’t mas malayo ang biyahe kumpara sa Olongapo-Gapan road, tipong mas madali dahil walang trapik.

SCTEx

Pabor ito sa mga manlalakbay katulad namin (kahit na ito ay mas malayo at mas mahal kesa sa dating dinadaan). Katunayan, may bus na nga na dumadaan dito.

Kaya ang isang pala-isipan sa akin ang mga bayang hindi na nadadaanan.

Hindi kaya sila mahalintulad sa Route 66 na nai-feature sa Cars movie? Hmmmm…

Sino na ang bibili sa mga naglalako ng prutas, gulay, meron pang isda, alimango at suka (vinegar)? Meron pa din siguro pero nabawasan na.

Senakulo

Sa Senakulo maririnig ang mga kasinungalingang paratang kay Hesus upang siya ang maipako sa krus.

senakulo

Kumusta ang inyong Holy Week?

Pasensiya na po, malabo, nasa pinakadulo kasi ako, nakatayo sa hagdan papuntang “balkony ng choir” ng napakalaking simbahan na ito.