Tag Archives: Litratong Pinoy

Salagubang

Sitsiritsit, alibangbang, salaginto’t salagubang…

Yan, yan ang kanta ng mga bata. Kinakanta iyan lalo na sa panahon na maraming mga salaginto at salagubang.

Sa totoo lang, nung bata ako, mas gusto ko ang tutubi kesa sa salaginto’t salagubang kasi natatakot ako sa mga ito.

Ngii! Isipin ko lang na gumagapang ito sa braso ko, talaga namang nakakapangilabot.

Minsan ako ay may nakitang salagubang at naisipang kunan ito ng larawan. Laking gulat ko nang makita ko ang aking nakunan. Talagang nakapangingilabot! (please click photo to see a bigger version)

salagubang1

At siyempre, hindi ako satisfied kaya ang ginawa ko, binaliktad ko ang kaawa-awang salagubang at ito naman ang aking nakunang larawan:

Read more »

Swimming sa Pansol

Isa sa mga nakasanayang puntahan nating mga Pilipino para sa kasiyahan ay ang Pansol, lugar ng mainit na bukal pinainit na tubig.

Masarap lumangoy sa mainit na tubig, kakaibang pagre-relaks. Hindi lang ang paglangoy ang nagdudulot ng kasiyahan kungdi ang masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan at mga taong espesyal sa ating buhay.

Narito sa larawan ang aking unico hijo, masayang nakalubog sa mainit na tubig sa Pansol:

pansol

Saya ano? Kayo, I am sure meron kayong masayang alaala sa Pansol. Kung hindi pa, aba, eh punta na at nang maranasan ang “yakap” ng mainit na tubig 🙂

Impossible Nga Ba?

Imposible ba ito? Alin sa mga ito ang imposible?

Ang magkaroon ng lugar upang malayang makapagalaro ang mga bata?

Ang maging ligtas ang mga bata sa kapahamakan?

Ang mga bata ay makapag-aral at magkaroon ng kasanayan upang matuto silang mamuhay para sa sarili at pamilya?

Imposible na bang mawala ang katiwalaan sa pamahalaan?

Imposible na bang maging mas masikap ang mga tao?

Imposible na bang ituluy-tuloy na paglaganap ng kapayapaan?

Kahit hindi kaya ng mga me sinumpaang tungkulin at ng mga nasa posisyon at may kakayahan nang pagpapatupad ng batas, magiging posible ito.

Paano?

kangkungan

Hindi bilang isang himala kungdi…

pagbabago na sisimulan natin sa ating sarili, kahit na sabihin pang gasgas na ang linyang ito.

Sinasabi ng iba na tila daw tayo ay pupulutin na sa kangkungan, dahil isang basket case na ang ating bansa. Pero, kung titingnan mabuti ang larawan, kahit pala sa kangkungan, me kakaibang ganda pa din basta pagsisikapang lilinisin, hindi ba?

(wala pong photoshop na nangyari kundi crop, resize, blur para sa text at text lang)

Ano Kaya ang Pangarap Nila?

Ano nga ba ang pangarap ko? Noon, marami akong pangarap para sa aking sarili. Makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na hanapbuhay, masayang pamilya, mabait na asawa at mga anak. Natupad naman yun. Hindi man kami mayaman, ayos lang, magsisikap na lang ng todo para sa pamilya, at yan ang pangarap ko sa ngayon.

Masarap mangarap.

Ito ang nagiging basehan ng lahat ng mga ginagawa at gagawin para sa katuparan nito. Maaaring kung minsan pinagtatawanan tayo ng iba dahil mataas daw ang lipad ng ating pangarap at baka bumagsak mula sa tore ng panaginip. Hindi na lang ito dapat alintana dahil dapat alam mo kung ano ang iyong kakayahan at kahinaan.

Pero sila, ano kaya ang pangarap nila?

streetchildren

Ang makahanap ng makakain bago matapos ang araw?

Ang makahiga sa malambot na kutson?

Ang magkaroon ng tsinelas o salawal?

Ano kaya ang pangarap nila?

Ikaw, may kasama bang ibang tao na hindi mo kapamilya sa mga pangarap mo?

Philippine Flag

Do you know the women who sew the Philippine flag while the country was still colonized by the Spaniards? Alam mo ba kung sinu-sino ang mga kababaihang nagtahi ng sagisag ng ating bansa noong panahong tayo ay sakop pa ng mga Kastila?

if you answered Dona Marcela de Agoncillo, her daughter Lorenza and Delfina Herbosa de Natividad, you are correct! Kung sina Dona Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niyang si Lorenza, at si Mrs. Delfina Herbosa de Natividad ang sagot mo, tama ka!

Tres Marias

Nandito din ang larawang ito na may ibang perspektibo sa blag entry na ito.

Alam mo man kung sino sila o hindi, mas importante ay iginagalang natin ang simbolo ng ating bansa.Teka, matanong ko lang, proud to be pinoy ka ba? O hindi?

Oo nga pala, alam mo ba na online na ang WMN.ph at may articles ako dun? Eto yung isa 🙂

Source: national flag