Tag Archives: Litratong Pinoy

Tulay Para sa Kaunlaran

Meron kong tulay dito at dito, ang tulay na nagdadala sa akin palapit sa tahanan ng aking mga magulang. Parehong tulay it pero magkaiba ang perspective sa pagkakakuha at interpretasyon 🙂 I have two different perspectives and interpretations of the same bridge which brings me closer to home in the two links I have made.

Ang tulay sa ibaba ay isa sa mga bagong gawang tulay. Ito ay bago, malinis pa at may nakasulat na GMA SCARES, este, CARES pala  na hindi ko na isinama sa larawan. The bridge in the photo below is an almost newly-built bridge. This is new, its clean and has GMA SCARES, errr, CARES written on it.

bridge

Bakit nga may bagong tulay dito? Hindi pa naman mukhang sira ang dating tulay, sa katunayan, ang bagsik ng Pinatubo (nandun sa cluster ng mga bundok) at mga lindol ay nakayanan nito. Hindi kasi nahukay ang mga buhangin kaya ang tubig sa ilog ay nawala at nagmukhang disyerto mula sa buhanging galing sa lahar.

Imbes na hukayin, nagtayo na lang ng bagong tulay. Galing no?

Ano nga ang sabi ng mga pulitiko?

“Kapag ako ay iboboto ninyo ipagagawa ko ang mga kalsada. Kahit walang mga ilog, magpapatayo tayo ng mga tulay!”

Yan po ang tulay ng kaunlaran.

Bow.

Oh My Gulay!

Ako ay “palpak” pagdating sa pagpapatubo ng mga bulaklak, ito po ay aking aaminin

Pero nabuhayan ako ng loob ng subukin kong magtanim ng halamang gulay at kahit paano naman, ito ay nagkaroon ng bunga! Yipee! Me konting problema lang ako sa mga ibon dahil gustung-gusto nila ang aking okra, talbos ng ampalaya at mumunting mga kalamansi 🙁

Pero meron na din kaming mga malalaking bunga ng ampalaya at mga herbs na nagagamit sa pagluto 🙂

Heto ay larawan ng mga maliliit na okra sa aming bakuran:

okra

Maganda nga ang mga bulaklak, nakatutuwa at talagang nagiging mas maganda ang paligid pero siyempre, ang gulay naman, masarap at masustansiya 🙂

Ako ay mas excited mag-garden dahil dito na nakakatulong sa pagtatanim! Woohoo!

Bakya, the Wooden Clogs

I have a similar post about shoes here but read below for my LP entry:

Bakya used to be THE most fashionable footwear to wear.

One can hear the sound of an approaching bakya-wearing person just by the mere sound of its heels click-clacking on the wooden floor, stones street or cobbled road.

I remember having one as a child, of course i was not as comfortable as those lightweight bakya imitation pair made up rubber that I had.

bakya

Come to think of it, the bakya showcases not just our unique culture but the inherent creativeness and craftmanship of the Filipino. Who would have thought details would be seen on these pairs?

Yan ang Pinoy! If only Pinoys channel these good traits to good use, then I am positive our country would benefit from it.

By the way, fans of Happy Feet would be delighted to read this article. To those who don’t know what it is, I encourage you to click the link too 😉

Dog Bling-Bling

Hindi ako mahilig sa alahas, marahil dahil wala akong budget para dito o kaya naman pakiramdam ko ay hassle ang maglagay nito bago umalis ng bahay at mag-alis nito pag-uwi sa bahay. Sabagay, kahit di afford basta hilig, gagawa ng paraan di ba? (pero huwag lang ang mangungutang ha) I am not fond of jewelry maybe because I can’t afford to get these or because I feel its too much of a hassle to put these on before going somewhere and removing these when back in the house. But then, even if one can not afford these things, one can find ways to get them as long as one is able to pay and not resort to having credits.

Kaya ayan, kakaiba ang aking entry, dog bling-bling. So my entry is different, dog bling-bling.

pitbull

Dog bling-bling. Ang collar na suot ay important peroang ibang mga aso, nakupo! grabe ang mga suot na accessories parang hindi na sila comportable sa suot nila. These collars are necessary but you should see how the other bitches dogs are being dolled up like they are accessories and not living animals.

Ang sa akin lang naman, sa dami ng mga batang nagugutom eh sa ganito pa ang pinagkakagastusan ng ibang mga tao. For me, with so much poverty around us, I feel its too much that people spend a lot with things like these. Oh well…

Tipanan

Para sa mga magsing-irog, importante ang magkaroon ng lugar na tipanan na masasabi nilang espesyal at bahagi ng kanilang relasyon. Dito sa tipanang ito, saksi ang lugar sa mga pangarap, paglalambing o kaya alitan ng mga magsing-irog.

For couples, it is important to have a meeting place that they consider special to them and is a part of their relationship. This place bears witness to their dreams, sweetness and even their arguments.

Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong tipanan ang nature, kumbaga at least dito, kahit kung minsan hindi mo maintindihan ang panahon, mas kaiga-igaya at nakaka-relaks.

If it were up to me, I would prefer the meeting place to be outdoors because it is more relaxing.