Tag Archives: Litratong Pinoy

Yuck!

We love in live in places where cleanliness is observed and reinforced. Who wouldn’t want that?

Gusto natin tumira sa mga lugar na ang kalinisan ay nakikita at ginagawa. Sino ba ang may ayaw nito?

But sadly, many Filipinos are not particularly bent on keping their surroundings clean. Not only should cleanliness be practiced with our bodies and inside our homes, it should also be practiced outside of it.

Subalit sa kabila nitong kagustuhan na ito, maraming mga Pilipino ang hindi ginagawang malinis ang kanilang paligid. Hindi lang dapat na ang kalinisan ay naipapakita sa ating katawan at sa loob ng bahay, dapat pati sa labas ay malinis din.

Look closely at the photo and see how blurred the background is. The background is blurred not because there is something wrong with the camera. The background is blurred because of SMOG or air pollution.

Pakitingnan mabuti ang larawan at makikita namalabo sa bandang malayo. Hindi malabo dahil me problema sa pagkuha. Malabo ang background kasi dahil sa smog o maruming hangin.

Ok then, here is another photo:

Read more »

When Darkness Comes…

Darkness is the opposite of light, it is the absence of light.

There are many interpretations for darkness.

One of the most obvious one is the darkness of the night. When night time comes, so many things happen at the same time: people rushing home from work, birds finding resting places in trees, people sitting down to eat supper, people relaxing after a hard day at work and getting ready to rest to face another day.

On the other hand, there are those who hurry to go to their work. Some keep us safe and sound as we rest.

And so we rest when darkness falls:

Ang kadiliman ay kabaligtaran ng liwanag, ito ay kawalan ng liwanag.

Maraming interpretasyon ang kadiliman.

Ang pinakamadaling isipin ay ang pagkagat ng dilim sa hapon. Sa gabi, maraming bagay-bagay ang mga nangyayari: nagmamadali ang mga tao umuwi mula sa kanilang trabaho, pati mga ibon ay naghahanap kung saan magpapahinga sa mga puno, maghahapunan na ang mga tao at pagkatapos naman nito, sila ay magpu-Plurk magre-relaks na bago matulog.

Sa kabila nito, meron namang mga tao na naghahanda upang pumunta sa kani-kanilang trabaho, kaya nga kahit gabi na, maliwanag pa din sa siyudad. Ang iba ay gising upang mapangalagaan ang ating kaligtasan (harinawa ganun nga).

___________________________________

The last quarter moon photo was taken at 5:42AM.  The Union Bank Plaza photo was taken at 6:22PM.

__________________________________

May Trick or Treat kami sa TriNoma ngayon, mamaya na lang po ako dadalaw sa inyong mga entry.

May Liwanag Nga Ba?

Its Thursday once again. Time for Litratong Pinoy which serves as my “weekly editorial” for this blog.

The theme for this week is LIWANAG meaning light or the absence of darkness.

I thought that this post’s title “May Liwanag Nga Ba” reflects best the global financial crunch that we are experiencing.

People are losing their jobs, their homes, and their bright futures are suddenly dimmed. The financial woes are not stopping.

People are altering their lifestyles to be able to survive with lesser resources and if possible, save some for the rainy days.

People are panicking, withdrawing their investments and bank deposits and putting these in what they think are “safe” places, away from the banks whose integrity they now doubt.

The worst is not in sight and if what the financial analysts say that this is just the beginning of a financial Armageddon, how would we know the answer to “Where do we go from here?”

I hope you have not felt that you have over-extended yourself during these times.

Huwebes na naman, araw ng Litratong Pinoy, ang aking “lingguhang editoryal” sa aking blag.

Ang tema para sa linggong ito ay Liwanag o kawalan ng kadiliman.

Naisipan kong gawin ang titulo ng aking lahok na “May Liwanag Nga Ba?” upang magnilay-nilay sa pandaigdigang krisis sa usapin ng pananalapi at pamamalakad ng kalakal.

Maraming tao ang nawawalan ng trabaho, tirahan at ang kanilang kinabukasan ay tila ba isang madilim na pangitain. Ang problemang pang-pinansiyal ay tila ba wala nang katapusan.

Ang mga tao ay nag-iba ng pamumuhay gamit ang mas kakaunting ari-arian na kung maaari sana ay makapag-ipon para sa kinabukasan.

Naguguluhan ang mga tao. Marami sa kanilang may naitatabing salapi sa bangko ay kinukuha na iyon at inilalagay sa lugar na sa kanilang paniniwala ay ligtas sa mga bangkong ito, ano’t anuman ang mangyari.

Hindi pa yata natin natatanaw ang pinakamatinding dagok. Wika nga ng mga eksperto sa pananalapi, ito ay simula pa lamang ng Armageddon ng Pananalapi. Paano natin sasagutin ang tanong na “Saan tayo patutungo?”

My Computer Nga Ba?

Several weeks ago, I wrote a post about the laptop that blogging bought.

Noong nakaraang Agosto, ako ay nagsulat ng tungkol sa laptop na nabili ko dahil sa kita ng pagba-blag ng mga iba’t ibang produkto at serbisyo.

Yes, even if there is a home pc, I got myself a laptop which  I can bring with me when I have to go to work. But at home, that laptop is not mine, the children takes possession which is fine with me since I am more comfortable using the home pc.

Kahit meron napakalaking pc sa bahay, kumuha na din ako ng laptop para madala ko kapag pumupunta ako sa trabaho. Pero kapag nasa bahay ako, ang laptop na ito ay hindi na sa akin dahil pinag-aagawan ginagamit ito ng aking mga anak. Ok lang naman sa akin kasi mas comportable ako sa dambuhalang pc namin.

This is our youngest child, playing with a game.

Si bunso naglalaro. Oist, gabi na, matulog na…

Ok then there are times when they just have to rest their case somewhere else and give that thing to me like when hubby and I attended the WordCamp Philippines.

Meron ding mga oras na kahit anong pakiusap ang gawin nila, hindi puwedeng iwan ito, kagaya nung pumunta kami ni TekKonsult aka BrownFoot sa Wordcamp Philippines.

Bilog na Naman ang Buwan

Who remembers the song of Tropical Depression “Bilog na Naman ang Buwan? You know, that reggae band who can make you sing and dance alongside their upbeat songs?

Oh, sige na nga, sa mga kunwari hindi alam 😉  heto ang lyrics: “Bilog na naman ang buwan, ilabas nyo na ang kalokohan. Huwag nyo na pipigilan pa, ang toyo nyo lalabas din lamang. Pag bilog na bilog na bilog na naman ang buwan”

Why did I ask If you know this song? Its because of my entry, the photo of the moon, a nice black and white combination. I love looking at the moon though if I do that for a long time, I might end up either with a stiff neck or end up looking like I’m nuts. This is one of my family’s favorite thing to look at the sky, the full moon. The photo below is not of good quality since I didn’t use a tripod.

Bakit ko naitanong kung alam nyo ang kantang ito? Dahil sa aking lahok, ang litrato ng buwan ay isang magandang combinasyon ng itim at puti. Gustung-gusto ko tignan ang buwan pero kung gagawin ko yun ng matagalan, baka magka-stiff neck ako o kaya mapagkamalang loka-loka 😀 kaligayahan naming mag-anak ang makita ang full moon kapag meron ito. Pasensiya na po, di gaanong malinaw, hindi kasi ako nagtripod.

Happy Thursday everyone! 🙂