Tag Archives: Litratong Pinoy

Sunflower

Bulaklak. Para sa akin, winner ang sunflower. Meron ako niyan dito, dito at dito. Ay teka, meron pa pala dito 😀

sunflower

Gusto ko ito siguro kasi napakasaya ng kulay nito na talaga namang nakakapagbigay ng ngiti sa akin.

Kuha ito nung isang taon. Hindi pa masyado malalaki ang mga sunflowers nung napasyal kami kung saan marami ito. Sana kapag napunta ako (at sana malapit na kasi maulan na eh baka mawala na sila) hindi *magloko ang kamera ko para maganda ang mga kuha ko.

*nagloloko kasi kung minsan, madilim ang kuha sa outdoor 🙁

Ang Litratista, Bow!

Hala sige, pindot lang ng pindot.

Akala siguro ng iba, madali ang maging litratista. May mga pagkakataong katulad ng sa ibaba, di lang galing sa pagkuha ang dapat kakayanan, pati bunong braso at pakikipagsiksikan, dapat marunong din.

pindot

Sa mga pagkakataong ganito, kung minsan nakaka-insecure na katabi ang mga naghahabaang mga lente at kamerang malalaki. Pero sige lang, carry pa din, pindot kung pindot 😉

Narito pala ang ilan sa aking mga imaheng nahuli sa pindot nung araw na yan: LV car, Hello Kitty car at sandamakmak na kotse.

Sa tingin ko, hindi naman pahuhuli ang aking mga kuha sa iba, hehehe. Ako na ang nagsasabi niyan, at sana walang kumontra, haha!

Mag-Recycle ng Plastik

Plastik ang tema sa Litratong Pinoy.

Plastik? Aba, marami akong kilala na ganyang tao, yung mga… wag na nga lang baka ma-high blood pa ako at magkakabistuhan pa.

Ok, game, one more time.

Ang plastik ay isa sa mga itinuturing non-biodegradable materials at/o recyclables kaya dapat konserbatibo ang paggamit dito para mabawasan ang personal o household carbon footprint.

Di nga ba yung mga lumang dyaryo ay naging bag? Heto naman, mga plastik na bote ng inumin, ginawang taniman (nga lang walang tanim ang nakuhanan ko ng larawan ):

plastic

Ayos di ba? Kahit walang lote, maaari pa din magtanim. Kita nyo yung mga dahon sa likod, nakalagay sa paso na may halaman kasi parte na din ito ng pagpapatubo  ng halaman.

O mag-recycle na tayo ng mga plastic, yung mga mapapakinabangan pa 🙂

Yung mga taong plastik, kasama din ba? Sana nga para naman may pakinabang sa kanila, lalo na “non-biodegradable” sila o ibig sabihin, mahirap mawala, baka maging iba na sila dahil iba na ang paggagamitan  😀

Wag po mapipikon ang iba ha 😉

New Leaf

Sus! HIBLA pala ang tema, akala ko plastik ang aga ko pa naman ginawa ang entry ko, hahaha!

Heniway, heto ang isang bagong dahon (leaflet???) na puno na hibla. Hindi naman nakakatusok kasi malambot ang mga buhok na yan:

hibla

Ang dahon na ito ay makikita dito at dito.

Meron din akong may mga hibla dito at dito.

Mahusay Nga Ba ang Pinoy?

litratongpinoy

Ang Pinoy ay mahusay, walang kaduda-duda dun.

Heto nga o, bag na gawa sa newspaper. Ganda no? Panalo ang bonggang Vigan street scene na painting. Isa lamang iyan sa napakaraming angking kahusayan ng mga Pilipino.

newspaper bag

Sa isang banda, mahusay din ang Pinoy sa mga kalokohan.

San ka pa, kapwa Pilipino lolokohin, o kaya mga kasambahay binubugbog, ang ibang magagandang lugar ay sinusulatan ng kung anu-ano o kaya dinudumihan.

Sabagay, sa bilis ng pagdami natin, talagang hindi mapipigilan ang pagsulpot ng mga pasaway, na bata pa lang eh kita mo na na parang tila ba walang patutunguhan ang buhay. Madalas, ibang tao ang tutulong sa kanila at hindi ang pamilya nila.

Kulang na nga lang ibenta ang bansa natin sa mga Koreanong banyagang nagsusulputan na parang kabute sa dami at parang paputok sa ingay.

Ikaw, proud ka ba na maging Pinoy?