Tamad daw ang karamihan sa mga Pilipino. Maaaring totoo, maaari din namang hindi para sa ilan.
Isa ang labis na kahirapan sa problemang kinakaharap ng bansa. Hindi ko na lang hihimayin ang mga dahilan dahil baka abutin ako ng gabi di pa ako tapos magsulat dito.
Dala ng problemang ito ang isa pang problema: kagutuman.
Pero ang kasabihan natin, kung gusto magagawan ng paraan.
Anu-ano nga ba ang mga paraan na puwede maging sagot upang maibsan ang kagutuman?
Ang pagtatanim sa bakuran.
Walang espasyong lupa? Maging malikhain at gumamit ng ibang paraan kagaya nito:
Medyo mukhang ginutom din ang aking pechay dito at tila bagang ako naman ang tinamad magdilig đ
Pero hindi ba mas mainam ang ganito, magtanim sa bakuran dahil isa ito sa sagot sa gutom, huwag lang tatamaring gumawa ng paraan para sa kasagutan nito.
At isa pa, nagamit muli ang dapat ay itinapon nang mga lalagyan ng inumin.
Huwag na pong tanungin bakit marami kaming mga ganyang lalagyan ng inumin, alam nyo na yun, hehehe.
Magandang araw ng Huwebes đ