Category Archives: Environment
Subic Bay
Posted in Environment, Philippines, Travel, Wordless Wednesday
Tagged Environment, Philippines, Photos, Subic, Subic Bay, Wordless Wednesday
Know Your Carbon Footprint
Almost everyone is talking about carbon cutting and carbon footprint. These terms do not just stop at being words but by carbon cutting, one HAS to do a lifestyle change to be able to lessen one’s carbon footprint.
A carbon footprint is “a measure of the impact our activities have on the environment, and in particular climate change” according to this site.
Determining one’s carbon footprint does not entail making drastic changes but rather making small steps towards changing what used to be sources of wasted energy, be it about electricity or gas emissions.
Some of the nitty-gritty details include lessening the use of non-biodegradable materials like Styrofoam, changing incandescent bulbs to fluorescent light, among other things.
For a more detailed understanding of the topic, here is a Carbon Footprint Calculator that will help you analyze the conditions about you and your household.
Are you ready to make new changes?
Mag-Recycle ng Plastik
Plastik ang tema sa Litratong Pinoy.
Plastik? Aba, marami akong kilala na ganyang tao, yung mga… wag na nga lang baka ma-high blood pa ako at magkakabistuhan pa.
Ok, game, one more time.
Ang plastik ay isa sa mga itinuturing non-biodegradable materials at/o recyclables kaya dapat konserbatibo ang paggamit dito para mabawasan ang personal o household carbon footprint.
Di nga ba yung mga lumang dyaryo ay naging bag? Heto naman, mga plastik na bote ng inumin, ginawang taniman (nga lang walang tanim ang nakuhanan ko ng larawan ):
Ayos di ba? Kahit walang lote, maaari pa din magtanim. Kita nyo yung mga dahon sa likod, nakalagay sa paso na may halaman kasi parte na din ito ng pagpapatubo ng halaman.
O mag-recycle na tayo ng mga plastic, yung mga mapapakinabangan pa 🙂
Yung mga taong plastik, kasama din ba? Sana nga para naman may pakinabang sa kanila, lalo na “non-biodegradable” sila o ibig sabihin, mahirap mawala, baka maging iba na sila dahil iba na ang paggagamitan 😀
Wag po mapipikon ang iba ha 😉
New Leaf
Sus! HIBLA pala ang tema, akala ko plastik ang aga ko pa naman ginawa ang entry ko, hahaha!
Heniway, heto ang isang bagong dahon (leaflet???) na puno na hibla. Hindi naman nakakatusok kasi malambot ang mga buhok na yan:
Posted in Environment, Litratong Pinoy, Philippines, Photos
Tagged Environment, garden, green, leaf, Litratong Pinoy, new leaf, Philippines, Photos
Kung Likas na Masipag
Kung tayo ay maging likas na masipag lamang, madali lang naman magpatubo ng mga halamang mapagkukunan ng pagkain.
Katulad nitong aking tanim na ampalaya:
Madali lang naman pala makapagpatubo, di na kelangan ng mga cheche-bureche, basta me kapiranggot na lupa at gagapangan, tsaka konting dilig, ayos na.
Yun nga lang, di ko maintindihan bakit nahinog agad ang mga iyan, naging orange 😀
Siguro dapat di ko na pinatagal at nagharvest agad ako. Ang naging problema ko lang dito, gumapang ng mataas at hindi na maabot.
Nagsimula na naman kong muli magtanim. Wala pa ulit ampalaya, mukhang kelangan ko ng “cage” para dun at nang hindi ito ulit gumapang ng napakataas sa bakod namin 😀
Posted in Environment, family, Litratong Pinoy, Philippines, Photos
Tagged ampalaya, backyard gardening, gardening, harvest, vegetable garden