Category Archives: Litratong Pinoy

My Litratong Pinoy (Shirt) Goes to Wordcamp Philippines 2009

Featuring my LitratongPinoy.com shirt goes to Wordcamp Philippines 2009 last September 19, 2009 at the Asian Institute of Management in Makati City.

LitratongPinoy.com shirt

Yes, I may look headless there but its ok, lol.

I like this idea of the LitratongPinoy.com featuring the members wearing or perhaps bringing along their LP shirts in the different places that they go to.

I would even bring this with me if I have the chance to book in one of the hotels in Panama City Florida. I wish 😀

No Smoking in This Area

Pasaway. Bow.

non-smoking area

Sabagay, nasa likod siya ng karatula na nagsasabing “This is a non-smoking area. Please proceed to designated smoking areas.”

Tatlo ang teyorya ko dito:

Una: pasaway talaga at akalang walang makakakita sa kanya sa likod ng karatula. Mali, nahuli siya ng aking kamera na kumuha din ng larawan ng Mindanao Avenue.

Ikalawa, baka hindi nakakaintindi ng nakasulat sa karatula.

Ikatlo, balik ako sa pasaway na teyorya.

Kayo, ano sa palagay nyo?  😀

Nga pala, me mga karatula din dito na akala mo ay mga gusali sa laki. Tsk, tsk.

Mindanao Avenue

Maluwag, pwera kung sobrang trapik at maraming sasakyan lalo kapag weekend ( o kaya kapag may sale sa TriNoma o SM North EDSA). Maaliwalas dahil sa mga puno. Madaling makasakay o accessible. Yan ang Mindanao Avenue.

Ito ay kuha mula sa isang parte ng TriNoma. Madalas ito ang aming binabaybay papunta sa ilang piling lugar at ito rin ang kalsada pauwi sa aming tahanan.

Mindanao Avenue

Ito ay kalsada para sa mga sasakyan at mga tao.

Para sa akin, ang kalsada ay para sa mga tao at sasakyan kaya ako ay nagulat sa aking nasaksihang ito minsan sa aking paglalakad:

walking birds

Isa ito sa series ng mga larawang kinunan ko ng mga ibong naglalakad na nakapila kahit maluwag ang lugar. Animo paparazzi, sila ay sinundan  ko ng mga ilang metro din, sa kalagitnaan ng init ng araw.

Kakatuwa sila. Sana ganyan din ang mga tao sa kalsada, hindi nag-uunahan kundi nakapila. Hindi naggi-gitgitan kundi nagbibigayan. Ang saya sana ano?

Asa pa, lol!

Halika, Pasyal Tayo

Masarap maglakad habang namamasyal di ba? Lalo na kapag maaliwalas ang lugar, mahangin at tunay na nakaka-aliw.

sunday morning walk

Talaga namang hindi ka mapapagod, lalo na kapag kasama mo ang iyong mga mahal.

Pero hindi lahat ng paglalakad ay katulad nito.

Merong lakad na hindi man kaiga-igaya ang sitwasyon eh kailangang gawin lalo na kung walang alternatibo upang makapunta mula sa isang punto patungo sa ibang punto.

tanay

Hindi alintana ang panganib, sila ay sandaling napangiti nung sabihin kong kukunan ko sila ng larawan.

Sabagay, kung tutuusin, mukhang maayos naman ang kanilang nilalakaran, kumpara sa ibang batang ilang kilometro ang nilalakad makarating lamang sa kanilang paaralan. Ang iba nga kundi sira ang ang kanilang tsinelas, ay nakayapak pa.

Tawilis

Isang platitong tawilis

tawilis

Ito ay isang platito ng maliliit na isda na pilit na pagsasaluhan ng isang pamilyang hikahos sa buhay. Mabuti kung may ganitong pantawid gutom, ang iba kasi kuntento na sa noodles na lalagyan ng maraming tubig para masabaw.

Ganyan, ganyan kahirap ang buhay sa maraming mga Pilipino.

Hindi ko mawari kung bakit hindi gawan ng paraan ang napakalaking suliranin sa gutom. Ang mga pagkaing tulad ng talbos ng kamote, malunggay at iba pang dahon ay napakadaling patubuin at napakasustansiya. Mura pa kung ito ay bibilhin o kaya libre kung ito ay itatanim sa bakuran.

Sabagay, kung sa usaping numero o dami ng tao ang pag-uusapan, PANALO tayo sa bilis ng pagdami ng mga Pinoy na animo mga (huwag ko na nga lang ituloy ang sasabihin ko). Pero dahil dito TALO tayo sa kalidad ng pamumuhay.

Maiba ako, ilang toneladang tawilis kaya ang kayang bilhin ng $20,000 perang ipinambayad sa isang magarbong hapunan?

P.S. gusto ko ito kung me sukang me sili. Ikaw?