Category Archives: Litratong Pinoy

Philippine Flag

Do you know the women who sew the Philippine flag while the country was still colonized by the Spaniards? Alam mo ba kung sinu-sino ang mga kababaihang nagtahi ng sagisag ng ating bansa noong panahong tayo ay sakop pa ng mga Kastila?

if you answered Dona Marcela de Agoncillo, her daughter Lorenza and Delfina Herbosa de Natividad, you are correct! Kung sina Dona Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niyang si Lorenza, at si Mrs. Delfina Herbosa de Natividad ang sagot mo, tama ka!

Tres Marias

Nandito din ang larawang ito na may ibang perspektibo sa blag entry na ito.

Alam mo man kung sino sila o hindi, mas importante ay iginagalang natin ang simbolo ng ating bansa.Teka, matanong ko lang, proud to be pinoy ka ba? O hindi?

Oo nga pala, alam mo ba na online na ang WMN.ph at may articles ako dun? Eto yung isa 🙂

Source: national flag

Ang Pagtatapos, Bow!

Isang malaking karangalan ang makapagtapos sa isang lebel ng pag-aaral, ito man ay preschool, mababang paaralan, mataas na paaralan, kolehiyo o graduate school. It is a great honor to finish a level of schooling, be it preschool, elementary school, high school or graduate school.

Pero ang aking ipinagtataka ay ang kalabisan ng ilang mga paaralan sa lebel ng pag-aaral ng mga bata. Paano ba naman, yung iba, kapag nagtapos ng Prep sa preschool, kung hindi ika-dalawang taon ng nag-aral (Kinder at Prep), ito ay ikatlong taon kaya (Nursery, Kinder at Prep) o kaya, ito ay ika-apat na taon na niyang pag-aaral (Pre-Nursery, Nursery, Kinder at Prep). One thing that really baffles me is that schools want to earn so much that by the time a student finishes preschool, he or she has already been studying for what, 2, 3 or 4 years already?

Read more »

Tulay Para sa Kaunlaran

Meron kong tulay dito at dito, ang tulay na nagdadala sa akin palapit sa tahanan ng aking mga magulang. Parehong tulay it pero magkaiba ang perspective sa pagkakakuha at interpretasyon 🙂 I have two different perspectives and interpretations of the same bridge which brings me closer to home in the two links I have made.

Ang tulay sa ibaba ay isa sa mga bagong gawang tulay. Ito ay bago, malinis pa at may nakasulat na GMA SCARES, este, CARES pala  na hindi ko na isinama sa larawan. The bridge in the photo below is an almost newly-built bridge. This is new, its clean and has GMA SCARES, errr, CARES written on it.

bridge

Bakit nga may bagong tulay dito? Hindi pa naman mukhang sira ang dating tulay, sa katunayan, ang bagsik ng Pinatubo (nandun sa cluster ng mga bundok) at mga lindol ay nakayanan nito. Hindi kasi nahukay ang mga buhangin kaya ang tubig sa ilog ay nawala at nagmukhang disyerto mula sa buhanging galing sa lahar.

Imbes na hukayin, nagtayo na lang ng bagong tulay. Galing no?

Ano nga ang sabi ng mga pulitiko?

“Kapag ako ay iboboto ninyo ipagagawa ko ang mga kalsada. Kahit walang mga ilog, magpapatayo tayo ng mga tulay!”

Yan po ang tulay ng kaunlaran.

Bow.

Villa Maya

Huli man daw at magaling eh huli pa din, hehehe. Di naman masyado kasi Huwebes pa din naman, medyo busy lang kasi kaya hindi nakagawa ng post.

We all see different buildings, like churches. Iba’t ibang klase ng gusali ang ating nakikita, merong simbahan:

baste

There are also school buildings. Meron ding paaralan:

UPCoE

And a myriad of different buildings for whatever purpose these were built for. At iba’t ibang klaseng mga gusaling itinayo sa kung ano pa man ang purpose nito:

capitol hills

But there is one building that I really like looking at: Read more »

Oh My Gulay!

Ako ay “palpak” pagdating sa pagpapatubo ng mga bulaklak, ito po ay aking aaminin

Pero nabuhayan ako ng loob ng subukin kong magtanim ng halamang gulay at kahit paano naman, ito ay nagkaroon ng bunga! Yipee! Me konting problema lang ako sa mga ibon dahil gustung-gusto nila ang aking okra, talbos ng ampalaya at mumunting mga kalamansi 🙁

Pero meron na din kaming mga malalaking bunga ng ampalaya at mga herbs na nagagamit sa pagluto 🙂

Heto ay larawan ng mga maliliit na okra sa aming bakuran:

okra

Maganda nga ang mga bulaklak, nakatutuwa at talagang nagiging mas maganda ang paligid pero siyempre, ang gulay naman, masarap at masustansiya 🙂

Ako ay mas excited mag-garden dahil dito na nakakatulong sa pagtatanim! Woohoo!