Category Archives: Litratong Pinoy

Luntian

litratongpinoy2.gif

img_1728b.jpg

Napakagandang pagmasdan ang luntiang kapaligiran. Hindi masama ang pag-unlad kung ang kapaligiran ay hindi nakalimutang pagyamanin.

It is lovely to see a green environment. Progress is good but caring for the environment should NOT be forgotten.

Ngunit tila bagang madalas ang tao ay nakakalimot sa responsibilidad na nasa kanila, na nasa ating kamay ang pag-aalaga ng kalikasan.

But oftentimes, people forget that the responsibilities are theirs, ours, in taking care of the environment.

img_0910b.jpg

Kelan ba talaga tayo matututo? Magtatanda? Kapag may mga buhay nang nawala? Narito ang isang larawang mas malaki, medyo nakakasilaw lang sa liwanag, hehe.

When will we ever learn our lessons? When there are lives lost? Here is another photo, a bigger one of the same place but its a little bright.

Litratong Pinoy: Balingkinitan

litratongpinoy1.gif

Ang tema sa Litratong Pinoy ay BALINGKINITAN. Sa madaling salita, ang ibig sabihin nito ay mala-bote ng Coca Colang katawan, hindi yung 1.5 or 2 liters ha dahil kahit may pagkabalingkinitan iyon, medyo may kalakihan (natatawa…)

The theme for Litratong Pinoy is Sexy, Slim, Curvaceous, Voluptuous or any word that means “sexy”. In other words, it means a body that looks like a Coca Cola bottle, not the big one that comes in 1.5 or 2 liters though.

Ito ay isang usaping ayaw ko pag-usapan dahil ako ay hindi na ganito ngayon. Oo, alam ko, isa yan sa batayan ng mga karamihan sa pagiging presentable ng isang babae pero hindi naman yun ang tanging batayan dahil ang puso daw naman talaga ang importante. Pero siyempre, puso at kalinisang loob ba ang gagamitin kung kelangang magsukat ng bagong damit at walang kumasya dahil puro sa mga mapapayat lamang ang kasya na mga tinda? Hehehe…

This is one topic I would rather not talk about because I do not look that well unlike before. Yes, I know, that being that is one of the characteristics that people find in women as desirable although it is not as important as having a good heart. Of course, on the other hand, it is not the good heart and kind disposition that will be measured when buying new clothes especially when nothing will fit since most of the clothes are just for those who are slim. Hehehe…

Hay naku. Eto ang aking interprestastyon sa balingkinitan, lalagyan ng mga ilalagay sa pizza. (Dito, makikita ang ibang larawang kasama niyan, isang Bloggers Food Trip sa Trinoma.) Gusto ko ang mga lalagyan kasi me kagandahan naman ang disenyo. Pero siyempre, gusto ko din kung saan ilalagay ang mga nasa loob ๐Ÿ˜€ (kaya nga hindi na balingkinitan eh)

Sigh. Below is my interpretation of the word, containers for pizza flavors. (You can see some more photos here which I took during a Bloggers Food Trip at Trinoma) I like the design of the containers, But of course, I also like where it will be put ๐Ÿ˜€

img_0557b.jpg

Tatak Pilipino

litratongpinoy.gif

Ano nga ba ang Tatak Pinoy o Tatak Pilipino? Tila wala naman yata tayong sariling tatak o pagkaka-kilanlan bilang isang bansa dahil sa mga napakaraming impluwensiya natin.

What is the essence of a Filipino? It seems that we don’t have our own character as a people, as a distinct nation because we are the product of so many influences of different cultures and belief systems.

Pero sa kabila nito, dapat nating ipagmalaki ang ating mga naging ninuno, na sa kabila ng payak nilang pamumuhay, naging masigasig at malikhain sila.

Despite this, we should be proud of our Filipino ancestors, who despite their basic and simple way of living, they showed perseverance and creativity.

img_1272b.jpg

Ilang tatak Pinoy ang nakikita mo dito?

How many Filipino symbols can you find in this photo?

Kung minsan naiisip ko, parang gusto kong bumalik sa payak na pamumuhay tulad nito:

Sometimes I think about going back to the basics, like the one below:

Read more »

Learning is Not Just Studying

litratongpinoy3.gif

To those who do not really know me, beyond being a writer in this blog, I am a teacher. Yes, a teacher of children with special needs. My students call me Teacher Julie and that is what I call my other blog too. In other words, I am a special education teacher.

I just want to say the learning is my middle name. I believe that learning does not just take place within the four walls of the classroom. Learning takes place in our daily interaction with people, with problem-solving skills, decision-making processes and having the correct ideals to be able to help others and most specifically the environment.

How would I answer questions about special education issues?

About the books that I have used with my students, click here -> books

Do you know a child who can’t sit still and loves to move around? Click here -> ADHD

Do you know someone with autism? Click here -> Autism

Do you know someone who is very, very smart? Click here -> Giftedness

Do you know someone who has a hard time understanding words and has difficulty interacting with others? Click here -> Language Development

Do you know someone who can’t function because everything is so hard to do? Click here-> Mental Retardation

How should these children be taught? Click here -> Teaching Techniques

I don’t even want to think about students who go to school too early or too late, 6am – 12pm or 16pm – 6pm..

I don’t even want to think about children who have to walk several kilometers daily just so they could go to school.

I don’t even want to think of the students who study under the trees because facilities are a big problem.

I don’t even want to think about the students, 50 – 70 of them, sitting in a small, hot and cramped classroom.

So I present my children…

My daughter Trixie is a grade 7 student in a university where children with special needs are mainstreamed in their classes.

Here are two photos of my children whom I homeschool through the curriculum from Bo Sanchez company.

This is Julian,with his group mates in the center where I work. He is wearing a blue polo shirt. He will be 7 in July and he is now a second grader.

img_1500b.jpg

He is with children who have developmental delays. They are with Teacher Joy and Teacher Xeres who are both occupational therapists.

And this is our youngest child, Tania:

img_2000b.jpg

She is learning with RV in a dyad setting in the center where I teach as per developmental pediatrician’s recommendation. Both Tania and RV are 5 years old.

I hope you learned something in my post.

Pagkatuto Hindi Lamang sa Pag-aaral

litratongpinoy3.gif

English translation is here.

Eto naman ang isang isinulat ukol sa paksang pag-aaral. Maganda po ang topic dyan, promise.

Para po sa mga hindi nakakaalam, ang aking buhay sa likod ng blag ay umiikot sa pagiging isang guro. Opo, ako ay isang guro ng mga batang may kakaibang pangangailangan upang matuto. Sa madaling salita, sped ako, ay este, sped teacher ako.

Ang masasabi ko dito ay ang pag-aaral ay ang aking gitnang pangalan.

Ako ay naniniwala na ang pagkatuto o pagiging edukado ay hindi lamang sa loob ng apat na dingding ng paaralan. Ito ay natututunan sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa mga tao, sa pag-iisip ng pagresolba sa mga problema, sa pagde-desisyon at sa tamang pag-iisip ng mga paraan upang makatulong hindi lamang sa sarili kundi sa ibang tao at sa kalikasan. World peace and environment, ika nga ๐Ÿ˜€

Paano nga ba masasagot ang mga maaaring itanong sa akin bilang isang sped teacher? Narito po sa ibaba:

Para sa mga aklat na nagamit ko sa aking mga tinuturuan, paki-click -> mga aklat.

May kilala ka bang batang sobra ang likot at kulit? Paki-click ito -> ADHD

May kilala ka ba may otismo? Paki-click ito -> Autism

May kilala ka bang sobra ang talino? Paki-click ito -> Giftedness

May kilala ka bang nahirapang magsalita o makasabay sa pinag-uusapan? Paki-click ito -> Language Development

May kilala ka bang nahirapan talaga matuto sa paaralan at sa buhay din? Paki-click ito-> Learning Disabilities

May kilala ka bang hirap makagawa ng mga bagay-bagay sa lahat ng aspeto ng buhay? Paki-click ito -> Mental Retardation

Paano ba tuturuan ang mga batang ito? Paki-click ito -> Teaching Techniques

Ayaw ko na munang isipin ang mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralang pumapasok ng 6am-12pm o kaya 12pm-6pm.

Ayaw ko munang isipin ang mga mag-aaral na naglalakad ng ilang kilometro upang marating ang kanilang paaralan upang makapag-aral.

Ayaw ko munang isipin ang mga batang nag-aaral sa silong ng mga puno dahil sa kawalan ng mga pasilidad.

Ayaw ko munang isipin ang mga estudyanteng umaabot sa bilang na 50-70 sa isang mainit at masikip na silid-aralan.

Ayaw ko din munang isipin ang aking mga kapwa guro na hirap sa pagtuturo dahil sa kakulangan sa pasilidad at dami ng estudyante.

Mahaba na, sige na nga, eto na ang mga lawaran ko. Sa kabila ng aking pagiging guro, kami ay nagdesisyon na i-homeschool ang aming dalawang batang anak sa paaralan ni Bo Sanchez.

Ang aking panganay na si Trixie ay nasa elementarya ng isang unibersidad sa may di kalayuan sa amin. Siya ay may mga kaklaseng may special needs.

Eto si Julian, kasama ang kanyang ka-grupo sa aking lugar na trabaho. Siya ang nasa blue na polo shirt at magpi-pitong gulang na at nasa Grade 2.

img_1500b.jpg

Ang kanyang mga kasama, karaniwan ay mga batang lalaki na may iba’t -bang pangangailangan sa pagkatuto. Kasama nila sila Teacher Joy at Teacher Xeres na mga Occupational Therapists.

Eto naman ang aming bunso, si Tania:

img_2000b.jpg

Kasama niya si RV, isa sa mga tinuturuan ko. Sila ay magkasing-edad na 5 taon at nag-da-dyad ng learning dalawang beses isang linggo.

Sana po ay may natutunan kayo sa aking lahok.

Inuulit ko po, narito ang English translation.