Category Archives: Photos

Tawilis

Isang platitong tawilis

tawilis

Ito ay isang platito ng maliliit na isda na pilit na pagsasaluhan ng isang pamilyang hikahos sa buhay. Mabuti kung may ganitong pantawid gutom, ang iba kasi kuntento na sa noodles na lalagyan ng maraming tubig para masabaw.

Ganyan, ganyan kahirap ang buhay sa maraming mga Pilipino.

Hindi ko mawari kung bakit hindi gawan ng paraan ang napakalaking suliranin sa gutom. Ang mga pagkaing tulad ng talbos ng kamote, malunggay at iba pang dahon ay napakadaling patubuin at napakasustansiya. Mura pa kung ito ay bibilhin o kaya libre kung ito ay itatanim sa bakuran.

Sabagay, kung sa usaping numero o dami ng tao ang pag-uusapan, PANALO tayo sa bilis ng pagdami ng mga Pinoy na animo mga (huwag ko na nga lang ituloy ang sasabihin ko). Pero dahil dito TALO tayo sa kalidad ng pamumuhay.

Maiba ako, ilang toneladang tawilis kaya ang kayang bilhin ng $20,000 perang ipinambayad sa isang magarbong hapunan?

P.S. gusto ko ito kung me sukang me sili. Ikaw?

Ano ang Merienda Mo?

Heto ang aking anak nagme-merienda ng sandwich sa baybayin ng Maynila.

merienda sa Manila Bay

Sa tuwing kami ay namamasyal, lagi may baon na sandwich. Nakakabusog, masarap, masustansiya at higit sa lahat, matipid 😀

Ikaw ano ang paborito mong palaman sa sandwich?

Paalam, Tita Cory

Nakapako ang karamihan sa mga Pilipino sa buong mundo sa mga kaganapan ng paghahatid sa huling hantungan ng ating mahal na dating pangulo, Corazon C. Aquino.

Narito ang aking tribute sa ating namayapang pangulo.

Ipagpaumanhin nyo mga kasama, hindi ako sumunod sa tema.

Nais ko sana maghandog ng maliit na regalo para kay Tita Cory:

sunflower

Bakit sunflower ang napili ko mula sa baul ng aking mga naipon na larawan?

Dahil ang sunflower ay isang bulaklak na napapagbibigay ng galak at ngiti sa ating mga labi. Ito ay nakapagpapagalak sa mga pusong nalulungkot. Ito ay nagbibigay liwanag sa isang madilim na kapaligiran.

Ito ang aking handog kay Tita Cory.

Tapos na ang mga seremonyas. Naging mabigat at madamdamin ang araw na ito para sa atin. Ang aking dalangin ay nawa nagkaroon tayo ng mabuting alaala mula sa buhay ni Tita Cory at gaya niya, maging instrumento na makapagbibigay ligaya at ngiti hindi lamang sa ating mga mahal sa buhay kundi pati na sa mga taong ating nakakasalamuha sa araw-araw.

Paalam, Tita Cory. Hanggang sa muli.

Litratong Pinoy: Proteksiyon

Proteksiyon.

Aaminin ko, iba ang naisip kong proteksiyon, ito ay ang laban dito pero dahil wala akong ganun, hindi ako makakakuha ng larawan nito, lol!

Tayong mga Pinoy, mapamahiin. Oo nga at naniniwala tayo sa Diyos pero sa kabilang banda, naniniwala din tayo sa mga pamahiin.

Santo Entierro, UST

Nagdadasal sa Diyos.  Naniniwala sa mga anghel at santo pero naniniwala sa mga kababalaghang sadyang hindi kasama sa turo at paniniwala ng simbahan at naghahanap ng proteksiyon laban sa mga ito.

Isang napakalaking kontradiksyon, hindi nga ba?

Anu-ano nga ba ang mga paniniwalang ito?

  • ang pagsusuot ng mga medalya ng santo para proteksiyon sa masasamang espiritu
  • ang paglalagay ng palaspas sa may pinto para maging proteksiyon sa mga masasamang espiritu

Napakarami pang samu’t saring proteksiyon laban sa mga enkanto at iba pang kababalaghan, meron ka bang maidadagdag pa?

Salagubang

Sitsiritsit, alibangbang, salaginto’t salagubang…

Yan, yan ang kanta ng mga bata. Kinakanta iyan lalo na sa panahon na maraming mga salaginto at salagubang.

Sa totoo lang, nung bata ako, mas gusto ko ang tutubi kesa sa salaginto’t salagubang kasi natatakot ako sa mga ito.

Ngii! Isipin ko lang na gumagapang ito sa braso ko, talaga namang nakakapangilabot.

Minsan ako ay may nakitang salagubang at naisipang kunan ito ng larawan. Laking gulat ko nang makita ko ang aking nakunan. Talagang nakapangingilabot! (please click photo to see a bigger version)

salagubang1

At siyempre, hindi ako satisfied kaya ang ginawa ko, binaliktad ko ang kaawa-awang salagubang at ito naman ang aking nakunang larawan:

Read more »