Category Archives: Travel

Halika, Pasyal Tayo

Masarap maglakad habang namamasyal di ba? Lalo na kapag maaliwalas ang lugar, mahangin at tunay na nakaka-aliw.

sunday morning walk

Talaga namang hindi ka mapapagod, lalo na kapag kasama mo ang iyong mga mahal.

Pero hindi lahat ng paglalakad ay katulad nito.

Merong lakad na hindi man kaiga-igaya ang sitwasyon eh kailangang gawin lalo na kung walang alternatibo upang makapunta mula sa isang punto patungo sa ibang punto.

tanay

Hindi alintana ang panganib, sila ay sandaling napangiti nung sabihin kong kukunan ko sila ng larawan.

Sabagay, kung tutuusin, mukhang maayos naman ang kanilang nilalakaran, kumpara sa ibang batang ilang kilometro ang nilalakad makarating lamang sa kanilang paaralan. Ang iba nga kundi sira ang ang kanilang tsinelas, ay nakayapak pa.

Swimming sa Pansol

Isa sa mga nakasanayang puntahan nating mga Pilipino para sa kasiyahan ay ang Pansol, lugar ng mainit na bukal pinainit na tubig.

Masarap lumangoy sa mainit na tubig, kakaibang pagre-relaks. Hindi lang ang paglangoy ang nagdudulot ng kasiyahan kungdi ang masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan at mga taong espesyal sa ating buhay.

Narito sa larawan ang aking unico hijo, masayang nakalubog sa mainit na tubig sa Pansol:

pansol

Saya ano? Kayo, I am sure meron kayong masayang alaala sa Pansol. Kung hindi pa, aba, eh punta na at nang maranasan ang “yakap” ng mainit na tubig 🙂

Tulay Para sa Kaunlaran

Meron kong tulay dito at dito, ang tulay na nagdadala sa akin palapit sa tahanan ng aking mga magulang. Parehong tulay it pero magkaiba ang perspective sa pagkakakuha at interpretasyon 🙂 I have two different perspectives and interpretations of the same bridge which brings me closer to home in the two links I have made.

Ang tulay sa ibaba ay isa sa mga bagong gawang tulay. Ito ay bago, malinis pa at may nakasulat na GMA SCARES, este, CARES pala  na hindi ko na isinama sa larawan. The bridge in the photo below is an almost newly-built bridge. This is new, its clean and has GMA SCARES, errr, CARES written on it.

bridge

Bakit nga may bagong tulay dito? Hindi pa naman mukhang sira ang dating tulay, sa katunayan, ang bagsik ng Pinatubo (nandun sa cluster ng mga bundok) at mga lindol ay nakayanan nito. Hindi kasi nahukay ang mga buhangin kaya ang tubig sa ilog ay nawala at nagmukhang disyerto mula sa buhanging galing sa lahar.

Imbes na hukayin, nagtayo na lang ng bagong tulay. Galing no?

Ano nga ang sabi ng mga pulitiko?

“Kapag ako ay iboboto ninyo ipagagawa ko ang mga kalsada. Kahit walang mga ilog, magpapatayo tayo ng mga tulay!”

Yan po ang tulay ng kaunlaran.

Bow.

Made in the Philippines

Napakadaming magagandang produkto ang gawang Pilipinas. Isa na dito ay ang mga bag na yari sa mga lokal na materyal. There are a lot of wondeful products made in the Philippines. One of these are bags made of indigenous materials that are locally available to the area where these are manufactured.

Makulay, may karakter at magaganda. Meron ka ba isa sa mga ganitong bag na gawang Pinoy? Colorful, has lots of certain endearing characteristics and wonderful designs. Do you have at least one that is Philippine made?

Kung meron kang bag na ganito, hindi ka lang nakakatulong sa pangkabuhayan ng iyong mga kababayan, parang sinasabi mo na ding ipinagmamalaki mo ang gawang Pinoy (parang mahirap yata isulat ito, hehehe) 🙂 If you have bags like these, you do not just help in the livelihood programs of your fellow Filipinos, you also show that you are proud of things that are made in the Philippines 🙂

Do You Love Your Job?

I have written a post about “loving your job” and in it I also wrote that:

Love your job. Live with the inconveniences that goes with it for who knows, you might even  consider yourself more fortunate than those who have none.

The Weekly Question will focus on this topic about our paying jobs, be these former jobs or current ones.

Do you love your job?

My answer:

Read more »