Tag Archives: Filipino food

Filipino Food

Filipino food is a fusion of different tastes and influences. At best it is grand and has a lot of ingredients complementing each other. In its simple form, it is presented with one major ingredients while the rest are just flavors and sauces.

2014.September.Lenovo

We love pairs that complement each other and I have enumerated some in this article I wrote: Pares-Pares na Pagkaing Pinoy

Tawilis

Isang platitong tawilis

tawilis

Ito ay isang platito ng maliliit na isda na pilit na pagsasaluhan ng isang pamilyang hikahos sa buhay. Mabuti kung may ganitong pantawid gutom, ang iba kasi kuntento na sa noodles na lalagyan ng maraming tubig para masabaw.

Ganyan, ganyan kahirap ang buhay sa maraming mga Pilipino.

Hindi ko mawari kung bakit hindi gawan ng paraan ang napakalaking suliranin sa gutom. Ang mga pagkaing tulad ng talbos ng kamote, malunggay at iba pang dahon ay napakadaling patubuin at napakasustansiya. Mura pa kung ito ay bibilhin o kaya libre kung ito ay itatanim sa bakuran.

Sabagay, kung sa usaping numero o dami ng tao ang pag-uusapan, PANALO tayo sa bilis ng pagdami ng mga Pinoy na animo mga (huwag ko na nga lang ituloy ang sasabihin ko). Pero dahil dito TALO tayo sa kalidad ng pamumuhay.

Maiba ako, ilang toneladang tawilis kaya ang kayang bilhin ng $20,000 perang ipinambayad sa isang magarbong hapunan?

P.S. gusto ko ito kung me sukang me sili. Ikaw?

Suman at Manggang Hinog

Kahel ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito. Siyempre naloka ako dahil gusto kong  maglagay ng larawan ng kahel na prutas para angkop di ba? (sabay kamot ulo) Pero di yata ayos yun. Tsaka sa mga nakakikilala sa akin, alam nila hindi ko “type” ang orange at fuschia pink na kulay kaya wala ako halos gamit na ganitong kulay.

Orange, the color, is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Of course, I wanted to put a photo of an orange fruit so that is fits the theme right? I guess not. For those who know me well, they know I dislike the color orange and fuschia pink so I do not have things belonging to me with that color.

Ayan manggang hinog na kulay kahel (o kulay mangga, hehe), nakalagay sa toothpick kasama ng hiniwang suman. Almusal namin minsang malamig na umaga nung mahabang bakasyon nung panahon ng Kapaskuhan. May kasama itong inuming mainit na tsokolate mula sa nilutong tablea.

Read more »