Tag Archives: Litratong Pinoy

Sagot Sa Kagutuman

litratongpinoy

Tamad daw ang karamihan sa mga Pilipino. Maaaring totoo, maaari din namang hindi para sa ilan.

Isa ang labis na kahirapan sa problemang kinakaharap ng bansa. Hindi ko na lang hihimayin ang mga dahilan dahil baka abutin ako ng gabi di pa ako tapos magsulat dito.

Dala ng problemang ito ang isa pang problema: kagutuman.

Pero ang kasabihan natin, kung gusto magagawan ng paraan.

Anu-ano nga ba ang mga paraan na puwede maging sagot upang maibsan ang kagutuman?

Ang pagtatanim sa bakuran.

Walang espasyong lupa? Maging malikhain at gumamit ng ibang paraan kagaya nito:

pechay

Medyo mukhang ginutom din ang aking pechay dito at tila bagang ako naman ang tinamad magdilig 😀

Pero hindi ba mas mainam ang ganito, magtanim sa bakuran dahil isa ito sa sagot sa gutom, huwag lang tatamaring gumawa ng paraan para sa kasagutan nito.

At isa pa, nagamit muli ang dapat ay itinapon nang mga lalagyan ng inumin.

Huwag na pong tanungin bakit marami kaming mga ganyang lalagyan ng inumin, alam nyo na yun, hehehe.

Magandang araw ng Huwebes 🙂

Makabagong Palengke

litratongpinoy

Ang palengke. Bow.

Ilalagay ko sana ang larawan ng talipapa pero nagbago ang isip ko kaya ito na lang, isang makabagong palengke na tinatawag na “MALL”

makabagong palengke

Sa palagay ko maraming hindi na nakatutuntong sa mga maputik, madulas, mabaho at maingay na palengke ang karamihan sa atin.

Oo nga at mainam mamili sa mga aircon na pamilihan, nakakawili sa dami ng makikita, di pa mainit, maputik at mabaho.

Pero ano nga ba ang epekto nito sa mga maliliit na negosyo? Karamihan sa kanila, nagsasara na dahil lugi na. Paano naman, wala na gusto mamili sa kanila, at karamihan, doon na sa supermarket mamimili.

Akala ko noong una, sa lalawigan lang nangyayari yan. Aba, sa takbo ng mga pangyayari, bawat kanto yata meron nang tindahang “We’ve got it all for you”. So, saan  ka pa?

My Litratong Pinoy (Shirt) Goes to Wordcamp Philippines 2009

Featuring my LitratongPinoy.com shirt goes to Wordcamp Philippines 2009 last September 19, 2009 at the Asian Institute of Management in Makati City.

LitratongPinoy.com shirt

Yes, I may look headless there but its ok, lol.

I like this idea of the LitratongPinoy.com featuring the members wearing or perhaps bringing along their LP shirts in the different places that they go to.

I would even bring this with me if I have the chance to book in one of the hotels in Panama City Florida. I wish 😀

Tawilis

Isang platitong tawilis

tawilis

Ito ay isang platito ng maliliit na isda na pilit na pagsasaluhan ng isang pamilyang hikahos sa buhay. Mabuti kung may ganitong pantawid gutom, ang iba kasi kuntento na sa noodles na lalagyan ng maraming tubig para masabaw.

Ganyan, ganyan kahirap ang buhay sa maraming mga Pilipino.

Hindi ko mawari kung bakit hindi gawan ng paraan ang napakalaking suliranin sa gutom. Ang mga pagkaing tulad ng talbos ng kamote, malunggay at iba pang dahon ay napakadaling patubuin at napakasustansiya. Mura pa kung ito ay bibilhin o kaya libre kung ito ay itatanim sa bakuran.

Sabagay, kung sa usaping numero o dami ng tao ang pag-uusapan, PANALO tayo sa bilis ng pagdami ng mga Pinoy na animo mga (huwag ko na nga lang ituloy ang sasabihin ko). Pero dahil dito TALO tayo sa kalidad ng pamumuhay.

Maiba ako, ilang toneladang tawilis kaya ang kayang bilhin ng $20,000 perang ipinambayad sa isang magarbong hapunan?

P.S. gusto ko ito kung me sukang me sili. Ikaw?

Ano ang Merienda Mo?

Heto ang aking anak nagme-merienda ng sandwich sa baybayin ng Maynila.

merienda sa Manila Bay

Sa tuwing kami ay namamasyal, lagi may baon na sandwich. Nakakabusog, masarap, masustansiya at higit sa lahat, matipid 😀

Ikaw ano ang paborito mong palaman sa sandwich?