Isa sa mga nakasanayang puntahan nating mga Pilipino para sa kasiyahan ay ang Pansol, lugar ng mainit na bukal pinainit na tubig.
Masarap lumangoy sa mainit na tubig, kakaibang pagre-relaks. Hindi lang ang paglangoy ang nagdudulot ng kasiyahan kungdi ang masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan at mga taong espesyal sa ating buhay.
Narito sa larawan ang aking unico hijo, masayang nakalubog sa mainit na tubig sa Pansol:
Saya ano? Kayo, I am sure meron kayong masayang alaala sa Pansol. Kung hindi pa, aba, eh punta na at nang maranasan ang “yakap” ng mainit na tubig ๐