Category Archives: Litratong Pinoy

Ika-8 Kaarawan ni Bunso

Ang cake ni Bunso sa kanyang ika-8 kaarawan.

BIrthday

Masaya siya, masaya kami pero parang may kurot sa aking puso dahil lumalaki na ang mga bata, hindi na sila baby. Ibig sabihin din nun, tumatanda na ako 😛

Pero sa kabila ng mga agam-agam tungkol sa edad at sa kung ano ang naghihintay aming lahat sa hinaharap, masaya pa din kaming mag-asawa dahil nabiyayaan kami ng mga anak na malulusog (pwera lang kapag ang anak na lalaki ay may hika, LOL) at mapagmahal.

Hindi kami naghahanda ng bongga tuwing kaarawan, kahit nung nag ika-pitong taon sila. Ayaw nila kasi, gusto nila, sisimba kami tapos kakain lang sa labas.

Mag-Recycle

Bote. Dyaryo. Garapa. Isama mo na din ang lata, kahon, styro, plastic spoons, forks at cups.

Ang mga bagay na ito ay ilan lamang sa mga pwede ma-recycle at magamit muli.

Recycle

Sa aming tahanan, ako ay nagse-segregate ng aming basura. Nakahiwalay ang mga bote, plastic, kahon, lata at papel sa ibang basura. Ito ay ibinibigay ko kay Manang upang kanyang mapakinabangan sa kanyang “kalakal”.

Sana kung ganyan sa ibang tahanan, palagay ko maiiwasan ang pagdami ng basura. Kayo, nagse-segregate ba kayo?

Bukas Ba Ang Iyong Puso Ngayong Pasko?

Kahit saan ka tumingin sa panahong ito, puro ilaw ng Krismas tree, parol at mga makukulay na palamuti ang iyong makikita. Sa mga pamilihan, naglalakihang SALE! ang iyong nakikita. Hindi nga ba’t ang Pasko ay panahon ng kasaganaan para sa karamihan ng mga tao?

Malamig na din ang simoy ng hangin.

Bagama’t ma-trapik na, ramdam mo na ang mga tao ay naging mas masayahin.

Sige na nga, sasabihin ko na din, sa mga sumasakay ng taksi katulad ko, ramdam na din ang mga mapagsamantalang mga driver, hmph.

Christmas tree

Sa likod ng mga ngiti at halakhak, tunay man o may halong kaplastikan, sa bawat pagsubo ng masarap ng pagkaing inihanda para sa mga pagsasalo-salo, at sa bawat pagbukas ng pitaka upang mamili ng kung ano ang maiman na bilhin para sa sarili o sa iba, bukas ba ang ating mga puso sa mga taong salat sa tila ba karangyaan at sobra-sobrang “biyayang” hatid ng Pasko?

Sana nga, merong mga taong bukas ang kanilang puso (at pitaka) sa mga taong nangangailangan, lalo na yung mga nakatira sa kanayunan. Alam ko maraming magagalit sa akin sa sasabihin ko, sa aking palagay, oo nga’t mabuting binibigyan ng ligaya ang mga batang paslit na iniwan sa mga ampunan tuwing Pasko, pero sana naman, pagtuunan din ng pansin ang mga nandun sa liblib ng lugar.

Sila ay salat din sa mga biyaya ng Pasko mula sa mga taong may malinis at bukas na puso.

Fish and Tofu

Ayan, ulam ko minsang nag-lunch kami ni hubby sa mall bago pumasok sa trabaho: Fish and Tofu sa Le Ching Tea House.

Fish and Tofu

Malapot ang sabaw. Malasa. Nakakabusog (ang laki ng kanin kasi).

Siyempre ang nasa isip ng lola nyo, “kaya ko itong lutuin, mas mura at mas marami kahit nakakapagod”. Pero kung minsan, kapag kulang na ang oras, ok na din ang kumain ng walang kapagod-pagod, di ba?

Tara, kain na tayo 🙂

Ilaw sa Kisame

Marami pala ang pinatutungkulan ng “FRAME”.

Malamang sa dami nito, me maiisip kahit na sino bukod sa larawang nasa picture frame. Basta sa akin, ayokong maging “framed” ako sa kung ano mang hindi magandang sitwasyon 😉

Lights

Sa reception yan ni bayaw nung kasal niya Miyerkules nung isang linggo. Sa kisame ng lugar ng reception nila, nakita ko ang mga naggagandahang mga ilaw na naka-frame. Ang ganda din ng mga ibong may ilaw.

Type mo ba na may ilaw sa kisame?

Ako oo, huwag lang sobrang maliwanag at sobrang bigat kasi baka mahulugan ako 😀