Category Archives: Litratong Pinoy

Litratong Pinoy is Back

Welcome back Litratong Pinoy!

Yey, now I can write my weekly “editorials” again 😀

Litratong Pinoy Weekly Challenge is on a Break

Litratong Pinoy Weekly Challenge is on a break.

I feel guilty.

Not that I was the cause the LP is taking a break but because I used to participate in the Weekly Challenge week after week, (without almost missing a beat).

But recently, my Litratong Pinoy entries have been a bit inconsistent.

I’ve also noticed a big decline in the number of participants: from 80+ it has gone down to less than 20. I wonder where the people are now? Have they stopped blogging? Did they ran out of Filipino words to write with? Have they stopped taking photos?

I hope when September comes, there will be a renewed interest for bloggers and photography enthusiasts to join again.

Tatawid Ka Ba?

Tatawid ka ba? Dun ka sa tamang tawiran tumawid para di ka madisgrasiya.

Quezon Avenue

Marami nang mga binawian ng buhay dahil ayaw nilang umakyat sa mga foot bridge na tamang tawiran upang makapunta sa kabilang kalye. Ang iba naman, hindi pasaway tumawid pero ang mga sasakyan naman ang pasaway kaya sila ay nakakadisgrasiya.

Noong wala pa ang foot bridge na ito, nasagasaan ang kapatid ng kasambahay ng aking biyenan. Di naman siya pasaway o kaya hindi sanay dahil sa paglalagi niya sa kanyang pinagsisilbihang pamilya sa loob ng labing-apat ng taon, hindi na bago sa kanya ang lugar na ito.

Marahil, gaya nang sabi ng mga matatanda, ay oras na niya ngunit masaklap na sa ganun humantong ang kanyang pagkamatay.

Sana maging aral sa iba ang pagtawid sa tamang lugar hindi lamang sa ikaaayos ng trapiko kundi sa kanilang kaligtasan na din.

Cupcakes Para sa mga Kaklase

Malaki ang aking dismaya sa Maynilad (na naman!) dahil noong Linggo pa kami walang tubig. Hay naku (insert roll eyes emoticon here) talaga naman.

Anyway, ayaw ko muna isipin yan ngayon dahil mas mayroon pang mga nasa kondisyong hindi maayos kaysa sa amin kaya hindi ko na lang itutuloy ang aking rant.

Heto ang ilan sa mga cupcakes na binake ko kahapon.

cupcakes

Ang aking unico hijo ang nagpakita ng pagka-dismaya dahil birthday namin ngayon at dapat dadalhin niya ang mga cupcakes na yan sa school para sa mga classmates niya. 30+ ang aking binake para sa klase niyang 22 na bata.

Bukas wala din sila pasok dahil kelangan pang gawin ang poste ng kuryenteng natumba malapit sa paaralan nila kaya wala pa silang kuryente bukas. Ibig sabihin hindi pa din tuloy ang kanyang mini-party.

Mabuti na lang at may kuryente na kami kaya inilagay na lang namin muna sa refrigerator para hindi mapanis kundi baka mapurga kami sa cupcake, hahaha.

Dismayado man siya at pati na din ako, isang pagpapasalamat pa din ang aming panalangin dahil sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, nanatili kaming magkakasama, nagmamahalan at nagtutulungan.

Nagmo-Motorsiklo Ka Ba?

Ang disiplina o ang kawalan nito.

quirino highway

Isang pamilyang nakasakay sa motor sa matrapik na Quirino Highway. Dalawang bata lang naman sa sa pagitan ng dalawang matanda. Bakit di pa kaya ginawang tatlo o kaya apat at nang mukhang habal-habal na sila? Bonding nga ito pero naman…

elbow helmet

Helmet. Para sa siko ng ating bidang nagmo-motor na may backride (na may dalang banderang pang-kampanya). Oo nga naman, baka magasgas ang siko kung sakali may mangyari. Tsaka sa EDSA lang naman ito, sisiw lang ang biyahe.

Di man mabilis ang takbo, para sa akin, reckless driving pa din ito, kumontra man ang iba sa akin. Basta, nakakatakot ang ginagawa ng ibang nagmo-motor.

Ang disiplina o kawalan nito. Bow.