Category Archives: Litratong Pinoy

Modernong Pagtuturo

Reading comprehension drills ang isa sa mga pinaka-importanteng objective ko sa aking pagtuturo. Hindi lang libro ang binabasa namin ng mga estudyante ko, pati mga print ads, newspaper articles at kung anu-ano (pang maisipan ko) pa. May mga pagkakataong gumagamit ako ng teknolohiya sa aking pagtuturo, tulad ng larawan sa ibaba:

reading comprehension

Ok ang teknolohiya sa pagtuturo, kung minsan nanonood kami ng short films sa YouTube tapos ina-analyze namin o kaya naman, naglalaro kami ng online games kasi interactive at talaga namang maraming matututunan ang mga bata.

Pero siyempre, iba din ang mayroong binubuklat na aklat di ba? O kaya kinukulayang larawan gamit ang krayons, hindi ang paintbrush na ginagalaw sa pamamagitan lang ng mouse.

Meron na din palang paraan para mahanap ang nawawalang latop o kaya naman para sa mga natatakot mawala ang mga laptop, pakibasa na lang dito.

Isa pang dapat malaman lalo na ng mga bata ay ang security pagdating sa teknolohiya pero siyempre, hindi ko na tatalakayin yun πŸ™‚

Happy Huwebes at oo nga pala, Mabuhay ang ating bagong Pangulong NoyNoy! πŸ™‚

Balik Eskwela

Pagbabalik eskwela ang akmang tema ngayong Hunyo.

Narito si Bunso, not exactly nagbabalik eskwela dahil pers taym niya pumasok sa isang pisikal na paaralan pero sa konteksto ng balik-eskwela, ganun na din yun πŸ˜€

back to school

Aga namin no? Sarado pa mga classrooms, hehehe. Hindi dahil sa sobrang excitement yan kundi coding kasi kami kaya dapat maaga para hindi mapara ng mamang pulis. Tsaka ang travel time papunta sa paaralan at pauwi, nadagdagan sa sobrang sikip ng trapiko.

Maaga din ang dating ng mga anak ko sa paaralan, siguro 6:30 nandun na sila para sa 7:30 na pasok. First trip kasi sila kaya 5:30am, nandiyan na ang service. Kakapagod, pero mukhang enjoy naman sila kaya ayan, ang aga pa tulog na sila.

Achievement Test

Narito ang aming bunso, noong kumuha ng isang pagsusulit o achievement test mula sa Department of Education o DepEd. Ito ay taunang ginaganap para sa mga batang katulad nila na nagho-homeschool.

pagsusuri

Ngayon, sila ay makararanas na ng pagsusulit sa paaralan, paggising ng mas maaga, paggawa ng homework, pagsakay sa school service, pakikisama sa ibang batang katulad nila at pagdadala ng packed lunch kasi sila ay pumapasok sa isang paaralang “physical”.

Di na pwede sumagot ng pagsusulit na naka-pajama πŸ˜€

May Pag-asa Pa Ba?

Pag-asa. Isang katangiang positibo ang pananaw na may pag-asa, sa kabila ng mga balakid sa buhay at mga problemang tila ba sumusubok kung gaano katatag ang isang tao o ang isang bansa sa harap ng mga pagsubok.

May10 Philippine elections

Sabi nga sa isang Facebook page ng kandidatong aking ibinoto at pinaniwalaang makatutulong sa ating bansa, “He gave us hope but we missed the flight.”

Isa ako sa milyung-milyong Pilipinong umasa ng malinis na eleksiyon.

Isa ako sa umaasa na mas gaganda ang buhay ng pamilya ko (at ng lahat ng pamilyang Pilipino), hindi lamang dahil ako ay nagsisikap na mapabuti ito kundi dahil mayroon mga namumuno na may magandang hangarin para sa bansang ito.

Maaaring bugbog na nga ang ating bansa sa mga nananamantala ng kanyang mga yaman, natural na yaman man o inutang sa ibang bansa, ako ay may natitirang konting pag-asa sa aking puso na panghahawakan kung sakaling mananatili pa ding tila madilim ang daang tatahakin. Sabi nga ng mga matatanda, “pasasaan din at lilipas din ang unos” patungkol sa mga dagok ng buhay.

Naniniwala ka ba na may pag-asa pa para sa ating bansa?

Pag-asa na siyang dapat paniniwalaan dahil ito ang nagbibigay babala kung may bagyo o wala. Joke… πŸ˜€

C5-Mindanao Avenue-NLEX

Noong isang taon ay naging larawan at post ko sa temang simula ang ginagawang Phase 2 Project Segment 8.1 connecting Mindanao Avenue to NLEX.

Heto na ngayon ang malapit nang makumpletong modernong kalsada ng C5 – Mindanao Avenue – NLEX na alam ko ay isang malaking pagbabago hindi lamang sa mga mananakay kundi para din sa mga nakatira malapit dito:

mindanao avenue-NLEX

Ang nasa kaliwa ay patungong NLEX at ang nasa kanan ay patungong Mindanao Avenue.

Ito pa ang isang larawan sa ibang lugar (mula sa unang larawan) na malapit sa bagong kalsada: ang tollgate.

tollgate

Malaking pagbabago din ito sa amin dahil ilang bloke mula sa aming tinitirhan ay nakagugulat na makakita ng bubong ng toll gate. Maaaring hindi malaking bagay ito sa ilan ngunit hindi sa isang iang katulad ko na nag-aalala para sa kalusugan ng mga anak ko lalo pa ang isa sa kanila ay may asthma.

Hindi ko tuloy alam kung ako ba ay matutuwa sa pagbabagong ito o hindi. Malamang ang sagot ay hindi.