Ang palengke. Bow.
Ilalagay ko sana ang larawan ng talipapa pero nagbago ang isip ko kaya ito na lang, isang makabagong palengke na tinatawag na “MALL”
Sa palagay ko maraming hindi na nakatutuntong sa mga maputik, madulas, mabaho at maingay na palengke ang karamihan sa atin.
Oo nga at mainam mamili sa mga aircon na pamilihan, nakakawili sa dami ng makikita, di pa mainit, maputik at mabaho.
Pero ano nga ba ang epekto nito sa mga maliliit na negosyo? Karamihan sa kanila, nagsasara na dahil lugi na. Paano naman, wala na gusto mamili sa kanila, at karamihan, doon na sa supermarket mamimili.
Akala ko noong una, sa lalawigan lang nangyayari yan. Aba, sa takbo ng mga pangyayari, bawat kanto yata meron nang tindahang “We’ve got it all for you”. So, saan ka pa?