Category Archives: Photos

Fish and Tofu

Ayan, ulam ko minsang nag-lunch kami ni hubby sa mall bago pumasok sa trabaho: Fish and Tofu sa Le Ching Tea House.

Fish and Tofu

Malapot ang sabaw. Malasa. Nakakabusog (ang laki ng kanin kasi).

Siyempre ang nasa isip ng lola nyo, “kaya ko itong lutuin, mas mura at mas marami kahit nakakapagod”. Pero kung minsan, kapag kulang na ang oras, ok na din ang kumain ng walang kapagod-pagod, di ba?

Tara, kain na tayo 🙂

Ilaw sa Kisame

Marami pala ang pinatutungkulan ng “FRAME”.

Malamang sa dami nito, me maiisip kahit na sino bukod sa larawang nasa picture frame. Basta sa akin, ayokong maging “framed” ako sa kung ano mang hindi magandang sitwasyon 😉

Lights

Sa reception yan ni bayaw nung kasal niya Miyerkules nung isang linggo. Sa kisame ng lugar ng reception nila, nakita ko ang mga naggagandahang mga ilaw na naka-frame. Ang ganda din ng mga ibong may ilaw.

Type mo ba na may ilaw sa kisame?

Ako oo, huwag lang sobrang maliwanag at sobrang bigat kasi baka mahulugan ako 😀

Inspecting Flood Damage

Flood Damage

Tahimik

Tahimik

Tahimik na pamumuhay,

aking inaasam.

Walang kaguluhan, gutom at giyera,

nguni’t sa mga pangyayari, imposible nga ba?

Doon sa kakahuyan, tahimik at payapa

sa umaga maririnig ang huni ang ibon,

sa araw naglalaro ang mga paru-paro,

at sa gabi naman, mahimbing ang tulog.

Gugustuhin ko ba ang ganitong buhay?

Bakit hindi, kung ako ay magiging masaya

Walang maingay, mabaho at magulo,

basta kasama ang pamilya at

may internet ako.

Bow.

Larawan ay kuha ni Lucky Charms, ang aking panganay na anak.

Mindanao Avenue Going to NLEX

Heto na ang Mindanao Avenue, isang pampublikong daan, papuntang NLEX. Bagong bukas lang yang daan nung kuhanan ng larawan na yan. Dito dumadaan ang mga sasakyan palabas ng Quezon City papuntang NLEX. Nai-blag ko na din ito sa Litratong Pinoy habang ginagawa at nung halos kumpleto na.

Mindanao Avenue

Maluwag at maaliwalas ang daang ito pero may ibang problema. Kapag gabi, hindi ito maluwag dahil yung mga papunta sa bayan ng Novaliches sa bandang kanan at taas nito, sinasakop ang mga lane na dadaan sa ilalim kaya ma-traffic tuloy.Mula nang ito ay mabuksan, naging ma-traffic na sa amin, isama na rin na naging mas polluted ang hangin.

Alam nyo ba, ilang araw pagkatapos ito buksas, merong mga nagvandal sa mapuputi nitong “walls” ng itim na spray paint. Nakakapanlumo kasi ang ganda na sana pero merong mga mapangit na loob na sinisira ang mga proyektong galing sa kaban ng bayan at para sa publiko.

Buti na lang pininturahan agad kaya natakpan. Sana di na maulit ito gawin.