Tag Archives: Litratong Pinoy

Litratong Pinoy is Back

Welcome back Litratong Pinoy!

Yey, now I can write my weekly “editorials” again ๐Ÿ˜€

Litratong Pinoy Weekly Challenge is on a Break

Litratong Pinoy Weekly Challenge is on a break.

I feel guilty.

Not that I was the cause the LP is taking a break but because I used to participate in the Weekly Challenge week after week, (without almost missing a beat).

But recently, my Litratong Pinoy entries have been a bit inconsistent.

I’ve also noticed a big decline in the number of participants: from 80+ it has gone down to less than 20. I wonder where the people are now? Have they stopped blogging? Did they ran out of Filipino words to write with? Have they stopped taking photos?

I hope when September comes, there will be a renewed interest for bloggers and photography enthusiasts to join again.

Tatawid Ka Ba?

Tatawid ka ba? Dun ka sa tamang tawiran tumawid para di ka madisgrasiya.

Quezon Avenue

Marami nang mga binawian ng buhay dahil ayaw nilang umakyat sa mga foot bridge na tamang tawiran upang makapunta sa kabilang kalye. Ang iba naman, hindi pasaway tumawid pero ang mga sasakyan naman ang pasaway kaya sila ay nakakadisgrasiya.

Noong wala pa ang foot bridge na ito, nasagasaan ang kapatid ng kasambahay ng aking biyenan. Di naman siya pasaway o kaya hindi sanay dahil sa paglalagi niya sa kanyang pinagsisilbihang pamilya sa loob ng labing-apat ng taon, hindi na bago sa kanya ang lugar na ito.

Marahil, gaya nang sabi ng mga matatanda, ay oras na niya ngunit masaklap na sa ganun humantong ang kanyang pagkamatay.

Sana maging aral sa iba ang pagtawid sa tamang lugar hindi lamang sa ikaaayos ng trapiko kundi sa kanilang kaligtasan na din.

Modernong Pagtuturo

Reading comprehension drills ang isa sa mga pinaka-importanteng objective ko sa aking pagtuturo. Hindi lang libro ang binabasa namin ng mga estudyante ko, pati mga print ads, newspaper articles at kung anu-ano (pang maisipan ko) pa. May mga pagkakataong gumagamit ako ng teknolohiya sa aking pagtuturo, tulad ng larawan sa ibaba:

reading comprehension

Ok ang teknolohiya sa pagtuturo, kung minsan nanonood kami ng short films sa YouTube tapos ina-analyze namin o kaya naman, naglalaro kami ng online games kasi interactive at talaga namang maraming matututunan ang mga bata.

Pero siyempre, iba din ang mayroong binubuklat na aklat di ba? O kaya kinukulayang larawan gamit ang krayons, hindi ang paintbrush na ginagalaw sa pamamagitan lang ng mouse.

Meron na din palang paraan para mahanap ang nawawalang latop o kaya naman para sa mga natatakot mawala ang mga laptop, pakibasa na lang dito.

Isa pang dapat malaman lalo na ng mga bata ay ang security pagdating sa teknolohiya pero siyempre, hindi ko na tatalakayin yun ๐Ÿ™‚

Happy Huwebes at oo nga pala, Mabuhay ang ating bagong Pangulong NoyNoy! ๐Ÿ™‚

Balik Eskwela

Pagbabalik eskwela ang akmang tema ngayong Hunyo.

Narito si Bunso, not exactly nagbabalik eskwela dahil pers taym niya pumasok sa isang pisikal na paaralan pero sa konteksto ng balik-eskwela, ganun na din yun ๐Ÿ˜€

back to school

Aga namin no? Sarado pa mga classrooms, hehehe. Hindi dahil sa sobrang excitement yan kundi coding kasi kami kaya dapat maaga para hindi mapara ng mamang pulis. Tsaka ang travel time papunta sa paaralan at pauwi, nadagdagan sa sobrang sikip ng trapiko.

Maaga din ang dating ng mga anak ko sa paaralan, siguro 6:30 nandun na sila para sa 7:30 na pasok. First trip kasi sila kaya 5:30am, nandiyan na ang service. Kakapagod, pero mukhang enjoy naman sila kaya ayan, ang aga pa tulog na sila.