Category Archives: Litratong Pinoy

Magic Tree House Series

Ito ang aking unico hijo, nagbabasa ng isa sa mga aklat ng Magic Tree House series. Gustung-gusto niya ang mga aklat na ito at katunayan, isang araw niya lang binabasa ang isang aklat. Me konting problema nga lang, dahil mahilig siya sa numero, gusto niya dapat sunud-sunod ang mga book na babasahin niya ๐Ÿ˜‰

Magic Tree House

Meron ding siyang ilang series na kinahiligan kagaya ng Geronimo Stilton at Top Gear (hehe, iba na to) na dapat sunud-sunod din ang pagbasa at pagpanood sa season.

Ang mga numero tungkol sa Formula One: standing, scores, speed, haba ng race tracks, at number of turns nitoย  (dinikta niya itong mga ito) ay kanyang gino-Google. Dati ang hilig niya ay size ng smallest at biggest countries at mga population nito ๐Ÿ˜€

Numero, bow. Yan ang hilig ng anak kong lalaki.

Estranghero sa Pool

Estranghero, marami nito sa mga public swimming pools. Kahit na sa pool na pambata, dapat bantayan pa din ang mga anak dahil sa panahon ngayon maraming mgaย  hindi mapagkakatiwalaan.

swimming kids

Ang aking bunso, yung naka-aquamarine at ang pinsan niyang may itim na goggles. Mabuti noong nagswimming kami, yung medyo mas matatandang bata nababantayan ang mga mas bata sa kanila.

Hindi nga ba’t isa sa unang itinuturo sa mga bata ay huwag sumama o makipag-usap sa mga estranghero?

Sunflower

Bulaklak. Para sa akin, winner ang sunflower. Meron ako niyan dito, dito at dito. Ay teka, meron pa pala dito ๐Ÿ˜€

sunflower

Gusto ko ito siguro kasi napakasaya ng kulay nito na talaga namang nakakapagbigay ng ngiti sa akin.

Kuha ito nung isang taon. Hindi pa masyado malalaki ang mga sunflowers nung napasyal kami kung saan marami ito. Sana kapag napunta ako (at sana malapit na kasi maulan na eh baka mawala na sila) hindi *magloko ang kamera ko para maganda ang mga kuha ko.

*nagloloko kasi kung minsan, madilim ang kuha sa outdoor ๐Ÿ™

Maliligo na si Chi-chi

Heto si Chi-chi, ang aming American Pitbull Terrier, nakatali bago paliguan.

chichi

Alam niyo naman, me mga asong ayaw na naliligo. Yan ngang si Chi-chi, me pagka-abusado, pinakawalan mo na nga, kapag nakitang dala-dala ang chain niya, nagpapahabol pa! Nakakatawang nakakainis, ๐Ÿ˜€

Pasensiya na po sa grabeng late, medyo busy-busyhan ang inyong abang lingkod ๐Ÿ™‚

Ang Litratista, Bow!

Hala sige, pindot lang ng pindot.

Akala siguro ng iba, madali ang maging litratista. May mga pagkakataong katulad ng sa ibaba, di lang galing sa pagkuha ang dapat kakayanan, pati bunong braso at pakikipagsiksikan, dapat marunong din.

pindot

Sa mga pagkakataong ganito, kung minsan nakaka-insecure na katabi ang mga naghahabaang mga lente at kamerang malalaki. Pero sige lang, carry pa din, pindot kung pindot ๐Ÿ˜‰

Narito pala ang ilan sa aking mga imaheng nahuli sa pindot nung araw na yan: LV car, Hello Kitty car at sandamakmak na kotse.

Sa tingin ko, hindi naman pahuhuli ang aking mga kuha sa iba, hehehe. Ako na ang nagsasabi niyan, at sana walang kumontra, haha!