Tag Archives: Litratong Pinoy

Home is Where the Heart Is

Steel heart. Bakal ng korteng puso.

That is a part of the iron grills of the front fence. I took this photo during the first week of the year with the colorful sunset sky as a backdrop.

Eto ay parte ng rehas sa bakod namin. Kinuha ko ang larawan noong unang linggo ng taong ito na ang langit na may magandang kulay dahil sa paglubog ng araw.

This is kinda symbolic because I was inside and have been staying at home enjoying domesticity due to the longest vacation last year. My vision of the world outside maybe limited but I must admit I enjoyed spending these days at home.

Eto ay may ibang pagkahulugan sa akin dahil ako ay nasa loob at ilang araw ding nasa bahay lamang dahil sa pinakamahabang bakasyon noong isang taon. Ang nakikita ko sa labas ay limitado pero ako ay lubhang masaya sa mga araw na ito kasama ang aking pamilya.

Isn’t it that we always say, “HOME IS WHERE THE HEART IS”?

Brown Waters

Matamis. Sweet.

Yan ang unang pumapasok sa isipan natin kung tsokolate ang pag-uusapan. That is the first thing that comes to mind when one is talking about chocolates.

Me in-edit na nga akong larawan para dito, isang chocolate fountain. Kaya lang nagbago ang isip ko. Heto na lang: I have already edited a photo for this theme, a chocolate fountain. But I changed my mind and decided on this instead:

Bucao River, Botolan, Zambales

Ang Ilog ng Bucao na dumadaloy mula sa Bulkang Pinatubuan Pinatubo. May pagka-kulay tsokolate ang tubig. Marahil dahil ang mga bundok sa may di kalayuan ay kulay tsokolate din kasi kalbo na. Lalo na sa tag-init, litaw ang kulay tsokolate sa mga kinalbong bundok.

Bucao River which runs from Mount Punatubo. The water is brownish, like chocolate. Maybe because the mountains in the background are also brown because there are no more trees. The brown color is apparent during summer.

Lilang Balabal

Lila ang tema sa linggong ito para sa Litratong Pinoy. Purple/Violet is the theme for this week’s Litratong Pinoy.

Uso sa panahong me kaginawan ang gumamit ng balabal (pero sa kasong ito, parang tela lang to at hindi korteng tatsulok). Kahit nga hindi malamig, marami akong nakikitang gumagamit nito. Bakit kanyo? Kasi naka-sleeveless sila pero malaki ang braso kaya gumagamit ng pantakip. Guilty ako na malaki ang braso ko, pero hindi na lang ako mag-sleeveless na tatakpan naman. Ay ang sama ko. 😀

The “in” thing to use during cold weather is the shawl although it just looks like a piece of cloth and not exactly a shawl with the triangular shape. Even if its not very cold, I see a lot of women using this. Why? They wear sleeveless clothes but because their arms are a bit fat, they use the shawl to cover the flab. I am guilty of having such arms, so I would rather not wear sleeveless clothes only to cover my arms. Ooops, my bad! 😀

Heto si bunso, kasama si kuya, suot ang lilang balabal ni Ate. Kuha ito noong nag-celebrate ang aming homeschoolers ng United Nations’ Day. Sila ay tumitingin ng mga gamit mula sa kontinente ng Timog Amerika. Pang-isla ang suot nila kasi Oceania ang aming grupo.

That is our youngest child with her older brother, wearing the purple shawl of our eldest child. This photo was taken when the homeschoolers celebrated United Nations’ Day. They are looking at things representing South America. They are wearing “island” get-up because we belong to the Oceania group.

Maligayang Huwebes po!

Suman at Manggang Hinog

Kahel ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito. Siyempre naloka ako dahil gusto kong  maglagay ng larawan ng kahel na prutas para angkop di ba? (sabay kamot ulo) Pero di yata ayos yun. Tsaka sa mga nakakikilala sa akin, alam nila hindi ko “type” ang orange at fuschia pink na kulay kaya wala ako halos gamit na ganitong kulay.

Orange, the color, is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Of course, I wanted to put a photo of an orange fruit so that is fits the theme right? I guess not. For those who know me well, they know I dislike the color orange and fuschia pink so I do not have things belonging to me with that color.

Ayan manggang hinog na kulay kahel (o kulay mangga, hehe), nakalagay sa toothpick kasama ng hiniwang suman. Almusal namin minsang malamig na umaga nung mahabang bakasyon nung panahon ng Kapaskuhan. May kasama itong inuming mainit na tsokolate mula sa nilutong tablea.

Read more »

Piko o Hopscotch

Asul ang tema sa Litratong Pinoy. Paboritong kulay ko ito, karamihan sa aking mga kamiseta ay ganito ang kulay.

The color blue is the theme for Litratong Pinoy. This is my favorite color and most of shirts are blue.

Heto ang larawan ng aking mga anak (yung dalawang naka-asul na pantalon at maliit na nakapulang kamiseta) naglalaro ng piko kasama ang kanilang mga pinsan.

Here is a photo of my children, (both in blue denim pants and the small one in red shirt) playing hopscotch with their cousins.

Ano ang konek nito sa asul? Wala yata, gusto ko lang ipakita na meron pang mga batang masayang naglalaro ng mga larong hindi kelangan ng remote o kaya buttons na pinipindot.

What’s with the blue you ask? Nothing I guess, I just wanted to show that there are still children who enjoy outdoors games and not glued to things that have remote controls and buttons to push.

Yun lang, mga batang naka-asul na naglalaro ng piko. Hehehe, inistretch talaga ang tema di ba?Para di naman seryoso lagi ang entry ko 😉

SIge na nga, heto, iba pang entries ko na ASUL ang tema: Dagat sa Zambales, isa pang larawan ng dagat at  Rainy Day blues.