Category Archives: family

Paskong Pinoy

litratongpinoy

Winter Cafe, sa loob nga lang ng mall.

Ang snow? Peke.

Ang Winter Inn? Hindi pwede pasukin.

Winter Cafe

Ganyan talaga ang mga Pinoy, mahilig sa scenery na hango sa ibang bansa: snow, Santa, pine trees, sled at kung anu-ano pa. Understandable naman dahil wala ang mga ito dito.

Pero sa isang banda, hindi naman masama ang ating parol, Misa de gallo, puto bumbong at Panunuluyan.

Paulit-ulit nating naririnig at nakikita, masaya talaga ang Paskong Pinoy dahil pagpatak ng -ber months, umpisa na ng paghahanda para sa araw ng Pasko.

Katulad ng mga nagdaang taon, ang obserbasyon ay pahirap ng pahirap ang buhay at iyon ay narireflect sa pagdiriwang ng Pasko: mas konting pailaw, konting regalo, konting handa,  konting “bago”  na gamit at maabilidad na pagtitipid.

Pero kung tutuusin, secondary naman lahat ito, hindi ba? Dapat ang pokus natin ay ang kapanganakan ni Hesus na ating tagapagligtas.

Sabi nga ng isang kanta ng APO, “Kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana’y maghari, sapat nang si Hesus ang kasama mo, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko”

Remote Control Car

litratongpinoy

Hiling. Wish. Isinulat niya noong isang linggo: “I wish my father will give me a remote control car this Christmas.” Isinulat yan ni Kuya, ang aming unico hijo na mag-first Communion bukas, December 11,2009.

Julian reading

Bihira siyang humiling. Bihira silang humiling. Marahil nasanay sila na hindi humihingi kung hindi naman kailangan talaga.

Ang mga anak ko, kapag pupunta kami sa mall upang may bilhing kailangang gamit o kaya upang kumain, uuwi na walang bitbit na toy, kuntento na sa pahawak-hawak, patingin-tingin.

Alam ko gusto nila, mga bata kasi. Kaya lang kapag sasanayin na lang ibibigay palagi ang hiling, baka hindi maganda ang resulta sakaling hindi na maibigay ang hiling nila.

Sana ganun din ang iba.

Noong pagpasok ng taong ito, mayroon kaming wish candles. Naging isang humbling experience sa aming mag-asawa ang hiling ng aming anak na lalaki. Sa mga kandilang sumimbolo ng iba’t ibang kahilingan, siya ay humiling ng color blue kasi daw:

“I like blue because it means PEACE so that everyone is happy and no one is fighting each other. Its LOVE (pertaining to the candle that burned the fastest) because the first candle that melted was pink. Its love for us.”

Pasko Na!

litratongpinoy

Muling nagbabalik ang Litratong Pinoy.

Tamang-tama ang pagbabalik na ito, kasabay sa hudyat na tema ng pagpasok ng buwan ng Pasko. Alam naman natin na dito sa Pilipinas, napaka-espesyal ng Pasko.

Narito ang  isang hudyat sa aming tahanan na wala nang makapipigil pa sa pagdating ng Pasko:

Christmas paper tree

Isang simpleng paper tree, gawa ng mga anak ko noong isang taon. Isa yan sa mga ginawa nilang tree ornaments.

Nawa ay maging maayos ang pagdating ng Pasko sa ating tahanan at puso. Tandaan, si Hesus ang dahilan kaya tayo meron nito.

Happy LP!

White Sand Beaches

I miss going to the beach.

Panglao, Bohol

Sure, it is icky sticky and hot out there but at least, it is a natural body of water and does not need any chemicals nor spa filters to make the water clean.

Sunset views are a sight to behold too as soft winds blow to cool the remnants of heat from the sun.

This photo was taken at Panglao, Bohol by my then 13yo daughter while they spent summer vacation in Bohol.

Pork Humba (Braised Pork)

litratongpinoy

Ang humba, bow.

Masarap itong kainin, lalo na kapag niluto sa uling ala slow cooking.

pork humba

Malambot, malinamnam, masarap at mabango.

Amoy pa  lang, ulam na! Tara, kain tayo 🙂