Tag Archives: Litratong Pinoy

Fish and Tofu

Ayan, ulam ko minsang nag-lunch kami ni hubby sa mall bago pumasok sa trabaho: Fish and Tofu sa Le Ching Tea House.

Fish and Tofu

Malapot ang sabaw. Malasa. Nakakabusog (ang laki ng kanin kasi).

Siyempre ang nasa isip ng lola nyo, “kaya ko itong lutuin, mas mura at mas marami kahit nakakapagod”. Pero kung minsan, kapag kulang na ang oras, ok na din ang kumain ng walang kapagod-pagod, di ba?

Tara, kain na tayo 🙂

Tahimik

Tahimik

Tahimik na pamumuhay,

aking inaasam.

Walang kaguluhan, gutom at giyera,

nguni’t sa mga pangyayari, imposible nga ba?

Doon sa kakahuyan, tahimik at payapa

sa umaga maririnig ang huni ang ibon,

sa araw naglalaro ang mga paru-paro,

at sa gabi naman, mahimbing ang tulog.

Gugustuhin ko ba ang ganitong buhay?

Bakit hindi, kung ako ay magiging masaya

Walang maingay, mabaho at magulo,

basta kasama ang pamilya at

may internet ako.

Bow.

Larawan ay kuha ni Lucky Charms, ang aking panganay na anak.

Mindanao Avenue Going to NLEX

Heto na ang Mindanao Avenue, isang pampublikong daan, papuntang NLEX. Bagong bukas lang yang daan nung kuhanan ng larawan na yan. Dito dumadaan ang mga sasakyan palabas ng Quezon City papuntang NLEX. Nai-blag ko na din ito sa Litratong Pinoy habang ginagawa at nung halos kumpleto na.

Mindanao Avenue

Maluwag at maaliwalas ang daang ito pero may ibang problema. Kapag gabi, hindi ito maluwag dahil yung mga papunta sa bayan ng Novaliches sa bandang kanan at taas nito, sinasakop ang mga lane na dadaan sa ilalim kaya ma-traffic tuloy.Mula nang ito ay mabuksan, naging ma-traffic na sa amin, isama na rin na naging mas polluted ang hangin.

Alam nyo ba, ilang araw pagkatapos ito buksas, merong mga nagvandal sa mapuputi nitong “walls” ng itim na spray paint. Nakakapanlumo kasi ang ganda na sana pero merong mga mapangit na loob na sinisira ang mga proyektong galing sa kaban ng bayan at para sa publiko.

Buti na lang pininturahan agad kaya natakpan. Sana di na maulit ito gawin.

Bulaklak

Heto, mga maninipis na petal (ano ba ang Tagalog nito?) ng bulaklak na kulay pink. Me bonus pa na mga itlog ng butterfly.

pink

Ganda no (hindi ng picture ha pero ng wonder of nature)? Nakaswerte ako diyan. Matagal na larawan na iyan (2006), nakita ko lang sa files kasi manipis na ang available space ng aking hard drive kaya ako naglilipat ng files.

Nagamit ko na dati ang picture na ito sa aking teacher blog pero sige lang, ginamit ko pa din 🙂

Magandang araw ng Huwebes sa aking mga kaibigan sa LP 🙂

Ondoy

Ang Ondoy ay isa sa dalawang bagyo na rumagasa, kumitil sa buhay ng marami at sumira ng mga ari-arian ng ating mga kababayan noong isang taon.

Ondoy

Apektado din kami sa aming lugar lalo na ang aming mga kapitbahay. Masasabing “swerte” kami dahil hindi kami pinasok ng tubig baha pero hindi pa din ito garantiya na sa mga susunod pang Ondoy at Pepeng ay ganito pa din ang sitwasyon namin.

Maraming aral na natutunan agkatapos ng napakalaking unos na ito. Sinasabi nga na ang mga ito ay tila bagang malaking dagok, malaking pagsubok na hindi lamang ang mga naapektuhan ang mga nagmuni-muni ng kahulugan ng buhay bagkus lahat ng tao na naging saksi kung gaano kalaki ang pinsalang tinamo ng ating mga kababayan.

Sana wala nang katulad nito na mangyari muli. Dahil ito ay mula sa kalikasan, dalangin ko na sana nakahanda ang mga dapat maghanda upang hindi na kasing laki at kasing dami ng nasirang buhay ang magiging sanhi.