Malaki ang aking dismaya sa Maynilad (na naman!) dahil noong Linggo pa kami walang tubig. Hay naku (insert roll eyes emoticon here) talaga naman.
Anyway, ayaw ko muna isipin yan ngayon dahil mas mayroon pang mga nasa kondisyong hindi maayos kaysa sa amin kaya hindi ko na lang itutuloy ang aking rant.
Heto ang ilan sa mga cupcakes na binake ko kahapon.
Ang aking unico hijo ang nagpakita ng pagka-dismaya dahil birthday namin ngayon at dapat dadalhin niya ang mga cupcakes na yan sa school para sa mga classmates niya. 30+ ang aking binake para sa klase niyang 22 na bata.
Bukas wala din sila pasok dahil kelangan pang gawin ang poste ng kuryenteng natumba malapit sa paaralan nila kaya wala pa silang kuryente bukas. Ibig sabihin hindi pa din tuloy ang kanyang mini-party.
Mabuti na lang at may kuryente na kami kaya inilagay na lang namin muna sa refrigerator para hindi mapanis kundi baka mapurga kami sa cupcake, hahaha.
Dismayado man siya at pati na din ako, isang pagpapasalamat pa din ang aming panalangin dahil sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, nanatili kaming magkakasama, nagmamahalan at nagtutulungan.