Kahel ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito. Siyempre naloka ako dahil gusto kong maglagay ng larawan ng kahel na prutas para angkop di ba? (sabay kamot ulo) Pero di yata ayos yun. Tsaka sa mga nakakikilala sa akin, alam nila hindi ko “type” ang orange at fuschia pink na kulay kaya wala ako halos gamit na ganitong kulay.
Orange, the color, is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Of course, I wanted to put a photo of an orange fruit so that is fits the theme right? I guess not. For those who know me well, they know I dislike the color orange and fuschia pink so I do not have things belonging to me with that color.
Ayan manggang hinog na kulay kahel (o kulay mangga, hehe), nakalagay sa toothpick kasama ng hiniwang suman. Almusal namin minsang malamig na umaga nung mahabang bakasyon nung panahon ng Kapaskuhan. May kasama itong inuming mainit na tsokolate mula sa nilutong tablea.