Tag Archives: Litratong Pinoy

Paano Na?

The theme for this week’s Litratong Pinoy is golden.

Ang tema para sa linggong ito sa Litratong Pinoy ay ginintuan.

I thought about doing something different with this entry and related this to age. Yes, the golden age which we probably do not want to celebrate yet.

Naisip kong ibahin ang aking lahok at ang edad ang aking naging ideya. Oo, ang gintong taong kapanganakan, o ang ikalimampung taon na malamang hindi pa natin gustong maranasan.

My idea was to post photos of people well into their 50’s who still work hard to support their families. Nothing bad here but to those who are older? How many times have we heard about a grandpa or a grandma with their frail bodies and brittle bones working not just to support their able-bodied children but also their grandchildren? We sympathize with them, sometimes we seethe with anger why they allow this to happen.

Ang aking ideya ay maglagay ng larawan ng mga matatandang lampas na sa kanilang ika-limampung taon ngunit nagtra-trabaho pa para suportahan ang kanilang pamilya. Wala namang masama dun pero kung mas matanda pa dun? Ilang beses na ba tayo nakarining ng ganitong kwento tungkol sa isang lolo o lola na bukod sa mahina na eh nagtatrabaho pa para suportahan hindi lamang ang kanilang mga anak na ayaw magbanat ng buto kungdi pati anak ng mga ito? Naaawa tayo sa kanila, kung minsan nang-gagalaiti tayo sa galit bakit ganito ang kanilang sitwasyon.

Read more »

Green Olives are Good Sources of Copper

litratongpinoy.gif

This theme is difficult for me. Copper is everywhere, from the food, the electrical wirings, in automobiles, architectural structures, plumbing, computer chips and even in coins. But even if I have these photos, it was difficult to describe how copper was infused.

Ang temang ito ay mahirap para sa akin. Ang tanso ay ginagamit sa maraming bagay, meron sa pagkain, sa pagdaloy ng kuryente, sa mga gusali, sa daluyan ng tubig (tama ba ang term ko?) sa computer chips at pati sa mga barya. Meron naman akong mga larawan nito kaya lang parang mahirap sabihin kung paano ginamit ang tanso sa mga ito.

green-olives-as-good-source-of-copper.jpg

Green olives are good sources of copper, click here to read.

Ang green olives daw ay mainam na napagkukunan ng copper.  Dito ito mababasa.

In my research about copper, I have found out that copper is one of the friendliest metals around. It is good for defense against germs so bacteria growth is inhibited. It is used in doorknobs and other push panels that are both touched by hands which can be the source of germs.

Sa aking pananaliksik ng tungkol sa tanso, nabasa ko na ito pala ay isa sa mga hindi matatapang na bakal. Sa katunayan, ito ay magaling na panlaban sa dating host ng That’s Entertainment mga mikrobyo para hindi na lumago at dumami ang bakterya ng pinanggagalingan ng sakit. Ginagamit ito sa mga door knobs at iba pang bagay na tinutulak, na nahahawakan ng kamay na siyang kinapapitan ng mikrobyo.

For more information about copper, go to Copper.org.

Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa tanso, maraming mababasa dito sa Copper.org.

Ayaw Ko!

Maricel Soriano couldn’t have said it better when she said in her movie, “I don’t like dirt (or is it mud?)! I don’t like cramped places! I don’t like people belittling me!”

(Sorry ha, pangit ang translation ko, mas maganda talaga ito sa ating wikang Pambansa)

Sabi nga ni Maricel Soriano dati sa pelikula nya, “Ayaw ko ng putik! Ayaw ko ng masikip! Ayaw ko ng tinatapakan ako!” sa anong pelikula na nga ba yun?

For me, I don’t like people who abuse the environment. I don’t like noisy neighbors. I don’t like people with one-track minds (not, not Abby Lee). I don’t like people who are too dependent on others. I don’t like bullies. I don’t like people who are too opinionated (wait, is that what I am turning to be?) Come to think of it, all these people combined would pretty much sum up a lot of people, including me 😀

Ako, ayoko ng mga taong umaabuso sa kalikasan. Ayaw ko din ng mga maiingay na kapitbahay. Ayaw ko din ng mga taong makitid ang isip. Ayaw ko din ng mga taong tamad at dumedepende sa ibang tao. Ayaw ko din ng mga maton. Ayaw ko din ng mga nagpapakalandakan ng kanilang mga opininyon (teka, parang ganito ang dating ng post ko ah). Kung tutuusin, aba, eh napakaraming tao na nitong ayaw ko, at kasama na din ako diyan 😀

dark-and-heavy-rain-clouds.jpg

Ok then, one thing I am not really fond of: heavy rains. Why? Because it brings about so much destruction: floods, landslides and diseases.

Sige na nga, isang bagay na talagang ayaw ko ay ang malakas na ulan. Bakit nga ba? Kasi marami itong pinsalang dala: baha, pagguho ng lupa at mga sakit.

Mithi

Mithi. Wish.

People say, “Be careful what you wish for”. By the way, I have written a post about the song “What Kind of World Do You Want?” that was sung by one of my favorite bands, “Five for Fighting”.

Ang sabi nga nila, “Be careful what you wish for” Nga pala, me post ako tungkol sa kanta naWhat Kind of World Do You Want?na yan ang message mula sa isa sa paboritong banda ko, ang “Five for Fighting”.

What do I wish for? Money? Fame? A new house? Better living conditions?

Ano nga ba ang mithi ko? Salapi? (kelangan magtrabahong mabuti para magkarun nito) Kasikatan? (hindi naman ako artista eh bakit kaya?) Bagong bahay? (eh binigay na sa amin itong bahay na ito kaya ok na yun) Mas maayos na pamumuhay? (sa tinging ko ok pa naman kami kaya huwag na lang muna ito)

So what do I wish for then?

Ano nga ba ang mithi ko?

pasig-river.jpg

That children would be able to play in a safe environment.

Sana makapaglaro ang mga bata sa ligtas na lugar, malayo sa kapahamakan.

mendiola-intersection.jpg

That those needing to be put under proper care would be cared for.

Sana yung mga nangangailangan ng tulong ay matulungan.

near-the-pasig-river.jpg

That people will have decent places to live.

Sana may maayos na tirahan ang ibang mga tao.

______________________________________________

Alam ko, dapat hindi ko na ito pino-problema kasi dapat sagutin sila ng pamahalaan, pero kung ang mga bagay na ito ay palagi nakikita tila ba nagiging ordinaryo na lamang kaya parang wala na din tayong pakialam.

Pasensiya na sa mga litratong malabo, kinunan ko ito habang nakasakay. Malabo man ang mga larawan pero malinaw naman ang mensahe.

Tara Na! Pasyal Tayo

litratongpinoy.gif

Sundays are family days. Families usually take this free day to bond by doing different things for fun or for other purposes.

Ang araw ng Linggo ay para sa pamilya. Ang mga pamilya ay ginagamit ang araw ng Linggo para magsama-sama at maging masaya o kaya naman para sa ibang dahilan.

We usually stay in during Sundays for this is the time we just stay in the house and relax with the kids. They don’t want to go anywhere so we just hear mass in the afternoon and have dinner somewhere.

Kadalasan, nasa bahay lang kami kapag Linggo upang makapag-pahinga kasama ng mga bata. Ayaw din nila umalis, magsisimba lang kami sa hapon at kakain sa labas.

Sometimes we go out and when we do, we usually go to the nearby UP Diliman for nature walks and biking and for a plate of Rodic’s tapsilog.

Kung minsan umaalis kami pero kadalasan, dito kami sa UP Diliman pumupunta para maglakad-lakad at magbisikleta at siyempre, kakain ng tapsilog sa Rodic’s.

Going to UP feels incomplete for the kids without a cup of taho and some sweets.

Parang hindi kumpleto ang pasyal dun sa mga bata kung hindi sila bibili ng taho at ng mga pagkaing matamis.

up-diliman-taho-vendor.jpg

Pssst! Kuya, pabili ng taho!

banana-cue-turon-lumpia-at-karioka.jpg

Siguro, may magsasabi, “Ang sarap naman niyan…”