Tag Archives: Photos

Drawing ni Bunso

litratongpinoy

Hayaan nyo na aking ipakita,

larawang iginuhit isang Linggo ng umaga.

Ako’y nagulat at namangha,

aba ano ito, at mukhang napakaganda!

tania's drawing

Marunong yata ang batang paslit,

ang kanyang kamay para sa pagguhit.

Ama at ina tunay na masaya,

at ang bata naman malaki ang tuwa.

Si Bunso ay nag-7yo nung Disyembre.

Backyard Gardening Ulit

litratongpinoy

Balak ko simulan muli ang aking nasirang backyard garden.

rusty trowel

Bakit ika nyo? kasi naghihinayang ako bumili ng tanglad (lemongrass) tuwing magluluto kami ng tinola at tahong na may sabaw. Pati na ring tuwing iinum kami ng pinakuluang tubig na may dahon nito, tipong tsaa, lalagyan na lang ng honey at mint leaves (may tanim din ako nito pero namatay din) para manamis-namis.

Ang basil na mabango ihalo sa ulam at masarap din sa pasta, wala na.

Miss ko na din ang aking mga okra at ampalaya.

Kelan kaya magkakatotoo ang balak ko na ito? Sana malapit na, kahit na tagtuyo pa naman o El Nino ang darating na summer.

Coco Jam and Peanut Butter

litratongpinoy

Matagal-tagal ko ding hinanap ito kaya laking tuwa ko nung matagpuan ko at matikmang muli: coco jam. Sa totoo lang, noong ako ay batang paslit, ayoko nito kasi mabaho, lalo na yung kending makunat na nakabalot sa puting papel, Yuck talaga! Amoy langis ng niyog.

Sige na nga, heto na ang paboritong almusal namin: tinapay na may manipis na palamang coco jam at/o peanut butter. Kelangan yung me buo-buong mani at mamantikang peanut butter ha (argh!)

Coco Jam, Peanut Butter and Bread for Breakfast

Bakit nga ba manipis? Kasi matamis ang coco jam at dapat manipis lang para di magsawa agad.

Siyempre di pwedeng walang kape.

Ayan, kumpleto na ang araw naming mag-asawa 🙂  Tsalap!

Coco jam, peanut butter and wheat bread are all from Pan de Manila. No, this is not a paid ad though a big white paper bag full of pandesal is very much welcome, lol.

Makapal na Usok Mula sa Kaingin

litratongpinoy

wading in the river

Ang saya (kahit hindi ako nakababa diyan dahil ako ay may sprained ankle) ng mga bata nung kami ay huminto sa tabi ng daan upang sila ay makaranas ng paglalakad sa tubig  ng ilog!

Kaya lang… Read more »

Remote Control Car

litratongpinoy

Hiling. Wish. Isinulat niya noong isang linggo: “I wish my father will give me a remote control car this Christmas.” Isinulat yan ni Kuya, ang aming unico hijo na mag-first Communion bukas, December 11,2009.

Julian reading

Bihira siyang humiling. Bihira silang humiling. Marahil nasanay sila na hindi humihingi kung hindi naman kailangan talaga.

Ang mga anak ko, kapag pupunta kami sa mall upang may bilhing kailangang gamit o kaya upang kumain, uuwi na walang bitbit na toy, kuntento na sa pahawak-hawak, patingin-tingin.

Alam ko gusto nila, mga bata kasi. Kaya lang kapag sasanayin na lang ibibigay palagi ang hiling, baka hindi maganda ang resulta sakaling hindi na maibigay ang hiling nila.

Sana ganun din ang iba.

Noong pagpasok ng taong ito, mayroon kaming wish candles. Naging isang humbling experience sa aming mag-asawa ang hiling ng aming anak na lalaki. Sa mga kandilang sumimbolo ng iba’t ibang kahilingan, siya ay humiling ng color blue kasi daw:

“I like blue because it means PEACE so that everyone is happy and no one is fighting each other. Its LOVE (pertaining to the candle that burned the fastest) because the first candle that melted was pink. Its love for us.”