Tag Archives: Philippines

Backyard Gardening Ulit

litratongpinoy

Balak ko simulan muli ang aking nasirang backyard garden.

rusty trowel

Bakit ika nyo? kasi naghihinayang ako bumili ng tanglad (lemongrass) tuwing magluluto kami ng tinola at tahong na may sabaw. Pati na ring tuwing iinum kami ng pinakuluang tubig na may dahon nito, tipong tsaa, lalagyan na lang ng honey at mint leaves (may tanim din ako nito pero namatay din) para manamis-namis.

Ang basil na mabango ihalo sa ulam at masarap din sa pasta, wala na.

Miss ko na din ang aking mga okra at ampalaya.

Kelan kaya magkakatotoo ang balak ko na ito? Sana malapit na, kahit na tagtuyo pa naman o El Nino ang darating na summer.

Magustuhan Mo Kayang Gawin Ito?

litratongpinoy

Magustuhan mo kaya kung hatiin ang katawan mo?

Hindi naman mala-aswang ang dating kundi para naman ito sa ikasisiya ng mga manonood.

Paano? Tulad nito:

Body Cut in Half Magic Trick

O di ba, ang saya-saya at bonggang-bongga di ba?

Pero kung ako ang tatanungin, siguro pag-iisipan ko muna bago ko sagutin kung papayag ba ako 😀

Ikaw, papayag ka bang gawin ito?

P.S. Dito makikita kung gusto mo ng ganyan sa party ng anak mo 🙂

Looking for Balloons and Other Party Needs

I have been thinking about starting a balloons business with my mom since she has already clients in the province who orders balloons, birthday cakes, invitations and party needs from her.

Of course I wouldn’t want to tire myself while I traverse the roads going to Divisoria yet, where everything is being sold in retail prices, so I got to turn to online Classified Ads to see what it has on these party needs that I may write on my list when I have the resources and time in place.

And because I am excited, I decided to dream on when I saw this:

inflatables

I must say this is quite a wonderful way to advertise a balloons/party needs biz 😀

Read more »

Makapal na Usok Mula sa Kaingin

litratongpinoy

wading in the river

Ang saya (kahit hindi ako nakababa diyan dahil ako ay may sprained ankle) ng mga bata nung kami ay huminto sa tabi ng daan upang sila ay makaranas ng paglalakad sa tubig  ng ilog!

Kaya lang… Read more »

Pasasalamat

litratongpinoy

Pasasalamat. Salamat.

Nativity Chapel of the Immaculate Conception Cathedral

Ako ay isa sa mga taong nahubog na may pananampalataya sa Panginoong Diyos.

Dahil sa magkahalong impluwesiya ng simbahang Katolika sa aking paaralan at paniniwalang Protestante sa aking pamilya at kinalakihang simbahan, naintindihan ko kung paano hindi magiging sabagal ang relihiyon sa pamumuhay at pagtugon sa mga tungkulin bilang isang Kristiyano at bilang isang responsableng mamamayan.

Isa lang iyan sa aking pinag-uukulan ng pasasalamat.

Ang pamilya, ang kalayaang mangarap at magkaroon ng pagkakataon upang matupad ang mga iyon , at mga pagkakataong pag-isipan ang kalagayan ng iba sa pamamagitan ng malayang pagsusulat, iyan ay ilan lamang sa listahan ng mga dapat kong ipagpasalamat.

Ang pasasalamat ay hindi lamang kumakatawan sa katagang nagsasabi ng pagtanggap at pagkilala sa mga bagay-bagay na nagawa hindi lang para sa ikabubuti ng sarili ngunit para din sa kapakanan ng marami.

Sa iyo na nagbabasa nito, isang taos-pusong pasasalamat ang aking ibinibigay ng may ngiti. Nawa ay maging maligaya at puno ng pagpapala ang darating na taon para sa iyo at iyong pamilya.